September 09 2010 06:38:34
51st Isyu
Forum Threads
Cavite Post Box
Yang Interfaith Dialogue na ‘Yan

Yang Interfaith Dialogue na ‘Yan



abu ratbuMabeNtang pag-usapan ngayon ang paggagalangan ng paniniwala ng iba. Sa opinyon at pagtataya kasi ng ilang eksperto, relihiyon ang maaaring pagmulan ng susunod na digmaan o pandaigdigang kaguluhan (Clashes of Civilization, Samuel Huntington, Ph.D). Kaya naman, sa takot ng mga eksperto ng mundo na magkagulo (sayang kasi ang bilyones at naipundar na ari-arian ng mga bilyonaryo kung hindi nila mae-enjoy ang buhay kapag may digmaan o kaguluhan) napag-isipan nilang mag-usap-usap ang mga may iba’t ibang paniniwala.

Sa isang banda, okay ito. Lalo na kung magkakasundo sila na maggalangan ng paniniwal ng isa’t isa at kung maaari ay walang pakialamanan sa paniniwala ng may paniniwala. Sana nga.


Kaya lang, may iba talagang pasaway. Na okay ang paniniwala ng iba, pero paniniwala nya ang pinaka-okay. Tama ang paniniwala ng iba. Pero pinakatama ang paniniwala nya. At ang masakit pa nito, kasali sa pinaniniwalaan nyang tama na ikumbinsi ang ibang tao, na mali ang paniniwala ng mga ito.


Kasi naman, hindi makakatulog ang mga ito dahil kasama sa itinagubilin ng pinaniniwalaan nyang dyos o dapat, ipalaganap ang kanilang paniniwala sa ibang hindi nananampalataya. At huwag makinig sa sinasabi sa paniniwala ng iba. Kaya naman, may mga bansa na ayaw tumanggap ng ibang relihiyon. Bawal magsagawa ang mga dayuhan ng ritwal o gawi ng pagsamba. Bawal magtayo ng ibang relihiyon. Bawal magtayo ng kapilya o bahay sambahan. Pero gusto nila, kapag sila ay pumunta sa ibang bansa, papayagan silang mag-practice ng kanilang relihiyon. Dapat payagan silang isuot ang kanilang panrelihiyong kasuotan. Magpahayag ng paniniwala at manghikayat ng ibang tao. Ang galing ano po? Ito tunay na kahulugan ng salitang ‘patas’.


Dito sa Pinas, malaya ang sinumang magtayo ng relihiyon, magsagawa ng anumang bagay na may kinalaman sa relihiyon hanggat hindi ito sumusuway sa itinakda ng batas ng tao.


Yeah right!


Kita nyo naman na hindi kinukunsulta ng mga poltiko ang mga lider relihiyon. Kita nyo naman na kapag sinabi ng grupo ng relihiyon na ito na ang ipinapanukalang batas ay immoral ay hindi abot-abot ang depensa at hingi ng pasensya ng mga mambabatas. Hiwalay ang estado at simbahan di ba? Kasi naman, kasama sa doktrina ng mga grupong relihiiyong ito na makialam sa moralidad ng lipunan. At ang moralidad na iyon ay ang moralidad na batay sa doktrina ng isang dominante’t maimpluwensyang relihiyon. Kasama sa doktrina ng relihiyong ito na magbantay sa moralidad ng lipunan, ng bansa, ng pamahalaan (hindi ko alam kung kasama sa doktrina nila na bantayan ang sariling moralidad).


Kaya, napakapositibo ng pagtanaw ko sa inter faith dialogue na yan. Amen!


Lider relihiyon: Iginagalang ko ang paniniwala nyong lahat, sana, igalang nyo rin ang paniniwala namin na batay sa aming paniniwala, kami ang nagmamay-ari ng Pilipinas. Bwahahaha!




Ibang mga balita...


Mga Artikulo...

Comments
No Comments have been Posted.
Post Comment
Please Login to Post a Comment.
Ratings
Rating is available to Members only.

Please login or register to vote.

No Ratings have been Posted.
Login
Username

Password



Forgotten your password?
Request a new one here.
Shoutbox
You must login to post a message.

14/08/2010 18:41
We don't accept new users registration until we identified all spammer users and deleted all spam posts

14/08/2010 17:48
We have to wipe out all spammer in this website!

20/07/2010 21:31
hellow mga kabagang....

06/07/2010 21:13
Who becomes the world champion on football? We wil

04/07/2010 00:10
..being good, doesnt always need to be nice!!

01/07/2010 14:40
And after all and the truth it has well turned out.

25/06/2010 20:34
I search girlfriend... Help!

25/06/2010 18:02
Some people like to ask stupid questions. Thats because they are stupid))

21/06/2010 06:52
I am happy that there are such people in chats Smile

21/06/2010 01:10
Andyman / Steve : musta?? bat parang laging tahimik dito??

Render time: 0.02 seconds 393,840 unique visits