March 10 2010 16:43:20
24th Isyu



Forum Threads
Staffbox

THINK N PRINT Publishing

Think and Print Publishing

Ang Responde Cavite ay nangungunang panlalawigang tabloid sa buong Cavite. Binubuo ng mga batikan at mga multi-awarded na manunulat ng bansa gaya nina Efren Abueg phd, Prof. Freddie Silao, Rommel Sanchez at Eros Atalia.

Ang Responde Cavite ay ang tanging provincial na pahayagan na tinatangkilik ng Newspaper Magazine and Comics Dealer Association of the Philippines (NMCD) at Print Media Dealers Organization (PMDO).

Lingguhang inilalathala ang pahayagan ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St. Caridad Cavite City at telepono bilang (046)527-0092 Cellphone: 0922819-7576, e-mail: ulat@respondecavite.com at responde_cavite@yahoo.com.

Kinikilala ang Think N print sa kasanayan nito hindi lamang sa larangan ng pamamahayag kundi maging sa Social and Political Research, Campaign Materials Development, PR and Media Consultancy at lalo na sa kanyang adbokasya laban sa envelopmental journalism.

Si Prof. Pedro Arnel Laparan ay dating nagturo sa La Salle Dasmariñas. Nagkamit ng karangalang Global Alumnus Award mula sa Phillipine Normal University dahil sa kanyang popular na School on Wheels na nagtuturo sa mga batang lansangan. Ang dedikasyon at kasigasigan ni Laparan ay kinikilala rin ng iba't ibang sector at Media gaya ng Rated K at Reader's Digest.
Si Ayn Frances dela Cruz, 24, ay nagtuturo sa The Linder Tree Institute, Alabang. Ang ilan sa mga isinulat nya ay na-published sa Pilipinas, United Kingdom, USA, Argentina, India, at may ilan pang lalabas sa Canada. Kasalukuyan syang kumukuha ng M.A. sa Comparative Literature sa U.P. Diliman.
Si Beverly Wico Siy ay naging anchor ng P.S.R. Pag-ibig, Seksuwalidad at Relasyon radio program sa DZME 1530 khz at DYHP 1640khz kasama si Dra. Sylvia Estrada-Claudio. Ang kanyang mga tula, sanaysay at kuwentong pambata ay nailathala sa Tambuli Magasin para sa Wika at Panitikan ng Diwa Scholastic Press, Sands and Coral Literary Journal, Pinoy Weekly tabloid, Homelife Magazine, Gutom.org, Dalityapi e-zine at Tinig.com e-zine. Ilang beses siyang nanalo sa mga patimpalak sa unibersidad noong college days niya at nagkamit ng 2nd runner-up award sa Talaang Ginto ng Komisyon ng Wikang Filipino noong Abril 2002. Nagtapos ng BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino (cum laude) sa UP Diliman. Mahigit dalawang taon din siyang naging manunulat/mananaliksik sa Creative Collective Center, Inc.
Dante Filoteo- Isa sa pinakabatang Fiscal sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa tagal ng kanyang karanasan bilang fiscal, nahawakan nya na ang mabibigat at kontrobersyal na kaso, batikan, kinikilala, nirerespeto at kinatatakutang abogado, ang kanyang kahusayan sa batas ay nakarating hanggang Amerika.
Efren Abueg- Nagtapos ng Ph.D in translation sa UP Diliman ang batikang nobelista at kwentista si Abueg. Ang kanyang mga pelikulang naisulat, nalikhang sanaysay, pitak sa dyaryo at iba pang obra ay umukit sa kamalayan ng mga Pilipino. Nagturo si Abueg sa UP, PUP, MLQU, UPH-Las Pinas at nagretirong Puno ng Kagawaran ng Filipino ng De La Salle University Manila. Hndi na mabilang ang parangal na natanggap ni Abueg sa kanyang mga panulat at aklat.
Nagtapos si Eros S. Atalia ng MALL-Fil sa DLSU noong 2008 at BSE-Fil sa PNU noong 1996. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino ang kanyang mga sanaysay at tula. Unang Gantimpala sa Pandaylipi Ink. sa pagsulat ng tula noong 1995, Gawad Balagtas (PNU 1996), Unang Gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (2006), Gawad Soc Rodrigo (2007), Fellow sa UP-ICW Writers Workshop noong 2007. May akda ng Taguan Pung (kalipunan ng mga akdang di pambata) at Manwal ng mga Napapagal (kopiteybol dedbol buk) (UST 2005) at Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako (VPE 2007) at “Ligo na U, Lapit na Me (VPE, 2009). Naging contributor din sa mga pambansang tabloid. Naging Junior Researcher sa Social Research Center, dating Junior Associate ng Center for Creative Writing and Studies at nagtuturo ng Filipino at Filipino Journalism sa Faculty of Arts and Letters, UST at Creative Writing sa Graduate school.div>
Erwin Lareza. Nagkamit ng Unang Karangalang Banggit sa 2009 Talaaang Ginto- Gawad Komisyon sa Tula. Naging Fellow ng 42nd UP national Writers Workshop sa Baguio City (2003) at 19th C. Faigao Memorial Annual Writers Workshop sa Romblon (2002). Aktibo siyang kasapi ng LIRA noon pang 2003. Naging kasapi rin ng UP Writers club at UP Quill. Mababasa ang ilan sa kaniyang akda sa Ikatlong Bagting, Sitting Amok Series, Likhaan Online, Panitikan.com.ph, at ANI.
Si Goldy Boroa ay student writer ng Heraldo Filipino ng De La Salle University Dasmariñas. Kasapi din sya ng Cavite Young Writer's Association at Account head ng Public Relations Student society of the Philippines.
Jeffrey Lubang tubong Heneral Trias, Kabite, siya ay isinilang sa ilalim ng signos ng alimango noong 1969. Nagtapos ng Bachelor of Science in Foreign Service sa Lyceum of the Philippines, Intramuros, Maynila. Nakatapos din ng kursong Master of the Arts Studies (major in Art History) sa University of the Philippines sa Diliman, Lungsod ng Quezon. Naglilingkod sa National Historical Institute bilang shrine guide hanggang maging researcher/curator mula 1993 hanggang 2004. Nakapaglathala na rin ng ilang tula sa ANI ng Cultural Center of the Philippines. Unang nagturo sa Cavite Westpoint College, Ternate Kabite. Sa Kasalukuyan siya ay professor at nagtuturo ng Kasaysayan ng Pilipinas at Kursong Rizal sa De La Salle University-Dasmariñas sa ilalim ng Social Sciences Department at Faculty Researcher/Events Coordinator sa Cavite Studies Center ng nasabing institusyon. Siya ay kumuha ng doktorado sa Kasaysayan sa University of Santo Tomas.
Si Joel Costa Malabanan ay guro, makata, manunulat, mang-aawit, kompositor at artista. Naging editor, co-author, author, ng ilang aklat panliteratura at text books. Naging contributor sa tabloid na IMBESTIGADOR at KABAYAN. Gumaganap ng ilang karakter para sa Independent Films. Kasapi ng RABAY (isang bandang bunubuo ng mga progresibong guro ng Bacoor, Cavite) at KAUSAP (Kapatirang Umuugnay sa Sining at Panitikan)... hinakot nya rin ang ilang mga gantimpla sa mga patimpalak ng NCAA gaya ng DALITEXT, TEXTTULAPINOY atbpa.
Ipinanganak at lumaki sa Tanza, Cavite. Isang aktibong miyembro at dating external vice-president ng Cavite Young Writers Association. Si Lester Dimaranan ay dating kolumnista ng Perlas ng Silangan Balita at nakapagpalathala na ng kanyang maiikling kwento sa Lumad, Paliparan, Muling Pagkabuhay, Shoreline at Liwayway. At isa sa mga Scriptwriter ng maiikling pelikulang Nag-iisa si Inay at Parolado ng Parole and Probation Office.
Maria Pamela Maranca
Maria Pamela Maranca- Bagamat Physical Therapy ang propesyon, mas nahikayat si Pamela na haplusin ang mga talinghaga kesa dumantay sa katawan. Naging opisyal at kasalukuyang aktibong kasapi ng LIRA (Linangan ng Imahe, Retorika at Anyo) maging ng Cavite Young Writers organization. Masinop si Pamela sa pagsasalisik sa panitikan. Nailathala na ang kanyang mga tula at iba pang obra.
Si Melvin Ros ay kasalukuyang researcher/analyst ng isang BPO company sa Makati. Dati na syang contributor sa ilang pambansang tabloid at ngayon ay sya ring Digital Media Director ng Responde Cavite.
Rex del Rosario - Kumuha ng kursong Tourism si Rex sa Cavite State University - Indang, aktibong kasapi ng napakaraming samahang pangkabataan, batang batang manunulat at kolumnista. Ginawaran ng pagkilala ang kanyang pamumuno sa kabataan.
Ronald Verzo- Sa murang edad, nakalikha na ng ilang documentary, short at full-length film ang kasalukuyang pangulo ng Cavite Young Writers Association Inc. Sa pagitan ng pagsipat sa lente, naisisingit pa rin nya ang pagsusulat at pananaliksik lalo na sa sining at panitikan ng Cavite at kanyang pinag-ugatang lalawigan, ang Quezon.
Rommel Sanchez- Pinarangalan ng National Press Club bilang pinakabatang editor sa Filipino ng ilang pambansang tabloid, inaabangan ng marami ang kanyang kolum dahil sa bagsik at pilantik ng kanyang panulat, kasalukuyang media consultant sya ng ilang lingkod-bayan.
Salvador Isidro Jr. - Full time na ahente ng agua de pataranta, sa pagitan ng paghitit ng yosi at serbesa, tumitingin sa kalangitan, nagmumuni-muni, inaalaman ang sinasabi ng mga bituin at ibinubulong ng hangin... sa lawak ng kanyang ruta sa pag-aahente, minarapat nyang maging area coordinator para sa unang distrito ng Cavite para sa Responde Cavite
Si Alessandra Rose Miguel ay nagtapos ng kursong A.B Journalism sa Unibersida ng Santo Tomas. Isa sa mga Fellow for Poetry sa 6th Ateneo National Writers Workshop. Naitala ang kanyang mga tula at maikling kwento sa Philippine Free Press. Phillipines Graphic Magazine, at mga college publications sa UST. Siya ay tubong Cavite.
Isidro 'Sid' Samaniego- Nagsulat sa iba't ibang pahayagan sa bansang Japan tulad ng Jeepneypress, Pinoy Shimbun, Lakbayan Times, at Niigata Shimbun. Kasalukuyang nagsusulat sa lokal na pahayagan, at correspondent ng isang malaking TV Network.
Willie Generaga- Nalibot na ni Generaga ang malaking bahagi ng daigdig. Ito ang nagpayaman sa kanyang karanasan. Pinagpapalit nya ang pagharap sa lutuan at paggagawa ng bahay. Kalaunan, naakit sya ng hiwaga ng dyaryo. Inalam nya ang likaw ng sirkulasyon at imprenta. Ngayon, hindi matatawaran ang kanyang kahusayan sa napiling bagong propesyon.
Dante Peralta- Puno ng Kagawaran ng Mass Communication at Communication Arts ng San Sebastian College-Recoletos sa Cavite City si G. Dante N. Peralta II. Kasalukuyan niyang pinagsusumikapang tapusin ang MA in Communication Management sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Kabilang sa mga publikasyong nilabasan ng mga katha ni Peralta ang pahayagang "Daily Tribune" at mga magasin na "Chic," "Be" at "Glitter.
Login
Username

Password



Not a member yet?
Click here to register.

Forgotten your password?
Request a new one here.


Shoutbox
You must login to post a message.

10/03/2010 14:09
Cool

08/03/2010 14:31
ka rex si alcis john si alvin to...anong balita jan.? may sinend akong report sa iyo tungkol sa asama homes, wala me ngayon jan sa pinas eh.... Shock

06/03/2010 11:57
Smile

04/03/2010 10:57
give me picture of this crime... BARYA, SUMAMBULAT SA KALYE BARKER TIGOK SA BANGKETA....

04/03/2010 10:55
pls give me picture of this crime... pls pls pls......

26/02/2010 00:15
Wanna Be a TV STAR? Wanna Be a TV COMMERCIAL MODEL? Wanna Be a PRINT AD MODEL? YOU ARE NOW SPOTTED TO BE ZOE TV 33 NEW GENERATION TV STAR! Audition: Feb. 27, 2010 (Saturday) 8AM Venue: New Generation

26/02/2010 00:14
Venue: New Generation (ZOE TV 33) 2nd flr, Boni Ave, Brgy. Poblacion, Mandaluyong City (Red Orange Color of the building), front of san felipe neri church. Requirement: 1 3R picture half body. Call 09

26/02/2010 00:13
AUDITION!!! Wanna Be a TV STAR? Wanna Be a TV COMMERCIAL MODEL? Wanna Be a PRINT AD MODEL? YOU ARE NOW SPOTTED TO BE ZOE TV 33 NEW GENERATION TV STAR! Audition: Feb. 27, 2010 (Saturday) 8AM Venue:

26/02/2010 00:07
slmat s lhat ng nagco-comment sakin... Smile

26/02/2010 00:05
alcisjohn elow... nung full name mo... slamt syo... Grin







Render time: 0.02 seconds 113,402 unique visits