September 11 2010 03:08:32
51st Isyu
Forum Threads
Cavite Post Box
SUSPEK IKINANTA NG BIKTIMA
Bago namatay...

SUSPEK IKINANTA NG BIKTIMA



Cavite City – Isang lalaki ang arestado matapos na magtangkang magpakamatay kasama ang iba pang katao sa nasabing lungsod kamakailan.

Kinilala ang saralin sa pangalang Joseph Ranit Fuertes, dating sales underwriter ng Philam Life Insurance.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng Res-ponde Cavite sa tulong ng pulisya ng lungsod ng Cavite, isang tawag ang natanggap sa istas-yon ng pulis sa nasabing lungsod na nagrereklamo sa salarin patungkol sa pananakot nito sa mga residente ng Barangay 53 Coquico St. San Antonio, Cavite City habang may dala-dalang granada at bolo.

Kaagad nagpadala ng pulisya si Police Superintendent Simnar S. Gran, hepe ng pulisya ng Cavite City, sa nasabing lugar upang tiyakin at rumesponde sa natanggap na tawag.

Pagdating sa lugar na pinangyarihan ay nakipag negosasyon ang pulisya na sumuko ng mapayapa  si Fuertes sa pangunguna ni PO2 George Lapidario. Ngunit sa halip na sumuko at ibigay ang hawak na granada at bolo ay nagwika pa ang suspek na, “sama-sama na tayo sa impyerno!” sabay aktong hihilahin ang pin ng granada, ngunit bago pa man tuluyang matanggal ang pin ay napigilan ito ni PSI Jigger Noceda at sinunggaban na ni PO2 Lapidario ang suspek upang makuha ang granada at bolo. Nagtulong naman si SPO1 Florentino Malinao at PO1 Cesar Datu sa paggapos sa suspek.

Ayon pa sa ulat halos matanggal na ang pin ng granada na kung hindi naagapan ay maaring nagsanhi ng pagkamatay hindi lang ng buhay ng suspek at ng mga puliya ngunit maging ng mga taong nakapaligid sa lugar na nakiki-usyuso sa nangyayari.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodya na ng istasyon ng pulis si Fuertes habang inihahanda na ang karampatang kaso sa suspek.
Suspek, pinangalanan ng namatay nitong biktima!

Tanza, Cavite – isang biktima ng pananaksak ang nakapag bigay pa ng impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng salarin bago ito tuluyang nawalan ng buhay.

Kinilala ang biktima na si Joseph Cimafranca, 29, nagtamo ng tatlong saksak sa likod, residente ng Barangay Sahud Ulan ng nasabing bayan.

Ayon sa impormasyon ni  Primitivo Tabujara, police director ng Cavite, naganap ang pag-atake sa loob mismo ng bahay ng biktima ng bandang 6:45 ng gabi nitong nakaraang Linggo.

Ayon pa sa imbestigasyon, agad na tumakas ang biktima matapos ang pananaksak, ngunit nakuha pang gumapang palabas ng bahay ang biktima at nakasakay pa sa tricycle ni Charlie Falla, upang magpahatid sa ospital. Nabanggit pa ng biktima kay Falla ang pangalan ng suspek na si Roger Caspe.

Sa kasamaang palad ay agad na nawa-lan ng buhay ang bikti-ma pagkadating sa ospital.

Napag-alaman din ng pulisya na ang pangyayari ay nag-ugat sa pagnanakaw di-umano ng biktima ng Cellphone ni Caspe,

Sa kasalukuyan ay pinaghahanap na ng pulisya ang suspek upang masampahan ng karampatang kaso at parusa.


NI ANDY ANDRES



Ibang mga balita...


Mga Artikulo...

Comments
No Comments have been Posted.
Post Comment
Please Login to Post a Comment.
Ratings
Rating is available to Members only.

Please login or register to vote.

No Ratings have been Posted.
Login
Username

Password



Forgotten your password?
Request a new one here.
Shoutbox
You must login to post a message.

14/08/2010 18:41
We don't accept new users registration until we identified all spammer users and deleted all spam posts

14/08/2010 17:48
We have to wipe out all spammer in this website!

20/07/2010 21:31
hellow mga kabagang....

06/07/2010 21:13
Who becomes the world champion on football? We wil

04/07/2010 00:10
..being good, doesnt always need to be nice!!

01/07/2010 14:40
And after all and the truth it has well turned out.

25/06/2010 20:34
I search girlfriend... Help!

25/06/2010 18:02
Some people like to ask stupid questions. Thats because they are stupid))

21/06/2010 06:52
I am happy that there are such people in chats Smile

21/06/2010 01:10
Andyman / Steve : musta?? bat parang laging tahimik dito??

Render time: 0.02 seconds 394,632 unique visits