DasmariÑas City – Isa ang sugatan at daan-daan ang nawalan ng tahanan sa naganap na sunog sa nasabing lungsod kamakailan.Ang sunog ay nagmula sa isang lumang building compound, dating pagmamay-ari ng Interfashion Garments Inc., nitong nakaraang Huwebes ng gabi.Sugatan si Fire Officer Elpedio Urbano na nagtamo ng first-degree burn matapos aksidenteng mailublob ang paa sa tubigan na nainitan dahil sa sunog.Ayon naman sa ulat ni Rodolfo Golo, na siyang nagiimbestiga ng insidente, tinatayang 390 na pamilya ang nawalan ng tahanan, ngunit ayon sa panayam ng ibang residente sa ilang pahayagan ay nasa 600 na pamilya ang naapektuhan ng sunog. Pinagsusupetsyahan din ng ilang residente na ang naganap na sunog ay sinadya upang sapilitan silang paalisin sa lugar. Sinasabing nang magsara ang Interfashion Garments Inc. noong 1990 ay nagtayo ng kanya-kanyang bahay ang mga trabahador nito na nawalan ng trabaho sa loob ng compound. Base sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire, ang sunog ay nagsimula dakong 5:25 ng hapon at tuluyang naapula matapos ang halos apat na oras.