Imus, Cavite – Inaresto ang isang kandidato na tumatakbo bilang board member sa nasabing bayan dahil sa kasong homicide kamakailan. Ayon sa impormasyon ng pulisya, ang nasabing kandidato ay si Lucio Minaldo na inaresto nitong nakaraang Linggo ng umaga sa mismong tahanan ng nabanggit na kandidato sa Barangay Pasong Buaya. Ang warrant of arrest ay inisyu ni Judge Petronilo Sulla ng Imus trial court dahil di umano sa pagkakasaksak ng kandidato kay Arnel Remullo noong taong 2003.