Lunsod ng Cavite, niyanig ng magnitude 3 na lindol
Lunsod ng Cavite, niyanig ng magnitude 3 na lindol
Cavite City – Niyanig kahapon ala-1:20 ng tanghali ng isang magnitude 3 na lindol ang mga lugar sa Cavite City. Sa tala ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang lokasyon ng lindol ay may layo na 73 kilometro, kanluran ng Lubang Island.
Ayon sa Director ng PHIVOLCS na si Renato Solidum, inaasahan na nila ang aftershocks na magaganap pagkatapos ng lindol. Ang lindol ay tinatawag na tectonic na kung saan ay naggigitgitan ang parte ng South China at kan-lurang bahagi ng Luzon at umaangat ang mga bato sa ilalim ng lupa. “Kumpara sa lindol na naganap kamakailan sa Chile ang lindol na naganap sa atin sa Pilipinas ay lubhang mahina kung ikukumpara sa Chile. Higit na malakas ng tatlong beses ang lindol na nangyari sa Chile kaysa dito sa atin.” Hindi naman napakadelikado ang nangyari sa atin. Ang mga aftershocks ay kalimitan na mahihina lamang ngunit hindi natin inaalis ang posibilidad na maaari na ito ay mas malakas pa doon sa nauna. Ang naitalang malakas ng lindol ay nangyari 2 taon na ang nakakalipas. Ang lindol na ating nararanasan ay hindi kayang gumawa ng malakas na tsunami para tayo ay mangamba.Wala namang malaking pinsala ang naitala sa mga kabahayan at mga imprastraktura ng nasabing lindol.