Imus, Cavite - Sinabayan ng mga kabitenyo si Liberal Party Standard Bearer Sen. Noynoy Aquino nang maglakad ito sa farm ni Cavite Gov. Erineo “Ayong” Maliksi patungo sa Imus Plaza. Isa ito sa patunay na madaming Kabitenyo ang sumusuporta kay Aquino. Isa ang Lunsod ng Cavite na may malaking bilang ng mga sumuporta sa kanyang ina noong 1986 Presidential Election. Batay sa mga nakaraang resulta ng survey lumalabas na ang tandem ni Aquino at Roxas ang nangunguna sa lahat ng mga kandidato sa pagka-presidente at bise-presidente.