Bacoor, Cavite- Nagkamit ng 9.3 na puntos si Grandmaster Wesley So noong Marso, 2010 upang tanghalin na ika-64 sa RP-FIDE rating. Ito ay ang pinakamataas na ranking na naabot ng isang Pilipino sa International Chess Federation. Siya ay pangalawa na sa buong mundo sa U-18 (mga aktibong manlalaro) kategorya at una sa Asya. Pagkatapos na manalo sa katatapos na Aeroflot Open, tumanggap siya ng mga malalaking parangal mula sa Philippine Sportswriters Association (PSA) sa katatapos na Annual Awards Night na ginanap sa Centennial Hall sa Manila Hotel. “Panigurado magkakaroon siya ng magandang tyansa para magkaroon ng break sa buong mundo, dahil marami kaming International tournaments na nakalinya para sa kanya.” Ani National Chess Federation of the Philippines Presiden Propero “Butch” Pichay Jr.