Tanza, Cavite—Matagumpay na naidaos ang Peace Covenant HOPE 2010 (Honest, Orderly and Peaceful election 2010) noong ika-22 ng Marso, bandang 8:00 n.u. sa Sta. Cruz Parish Church ng nasabing bayan. Pinasimulan ang nasabing peace covenant sa pamamagitan ng misang pinangunahan ni Rev. Fr. Calixto C. Lumandas, Prish Priest ng nasabing parokya. Nagbigay ng pambungad na pananalita si Ms. Rebecca Data, MLGOO ng Tanza, Cavite kasunod ng maikling pananalita ni PSSUPT Primitivo T. Tabujara Jr., ang Provincial Director ng Cavite, PPO. Samantala, binasa ni Jender Lopez Mecado, Deputy ng PNP Tanza, Cavite ang Election Covenant. Sinalubong ng masigabong palakpakan ng mga parokyano ang mga kandidatong pumirma sa nasabing peace covenant at ibinigay ni Magdell C. Oallares, Election Officer ng Tanza, Cavite ang pangwakas na pananalita.