Rosario, Cavite – Hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang bangkay ng mag-asawa kamakailan sa isang creek sa Rosario, Cavite. Kinilala ni Senior Superintendent Primitivo Tabujara, Cavite Police Director ang mga biktima na sina Bernard Atangan alyas “Wise” at ang kanyang live-in partner, Cheycelyn Candaza alyas “KC” na parehong residente ng Barangay Wawa 3, Rosario, Cavite. “May mensahe na nakakabit sa ulo ng biktima na si Candaza na “Huwag nyo akong tularan, pusher ako.” Ani ni Tabujara. Batay sa record ng pulisya si Candaza ay dinakip sa isang illegal na drug operation. Noong mga nakaraang araw, isang bangkay rin ng hinihinalang magnanakaw ang natagpuan sa Bacoor at dalawa pang bangkay ng dalawang babae ang narekober sa iba pang parte ng Cavite na tinatayang biktima rin ng summary execution.