September 09 2010 07:17:33
51st Isyu
Forum Threads
Cavite Post Box
COED, BIGONG MAKAPAGTAPOS NAGBIGTI

COED, BIGONG MAKAPAGTAPOS NAGBIGTI



Noveleta, Cavite – Isang binatang iskolar ang di umano’y nagpakamatay matapos hindi mapabilang sa listahan ng magsisipagtapos sa kanilang paaralan kamakailan sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat ni Senior Police Officer 4 Meynard C. Genuino, na siyang may hawak ng kaso, depresyon ang hinihinalang pinaka-ugat kung bakit nagawa ni Mark Ronald A. Bagtas, 21, na kitilin ang kanyang sariling buhay nitong nakaraang Biyernes.

Ayon pa sa imbestigasyon, natagpuan si Bagtas na nakabigti at wala ng buhay sa kusina ng bahay ng kanyang lolo, Ponciano Alonzo, dakong 4:00 ng umaga sa Barangay San Jose ng bayan ng Noveleta.


Ayon sa impormasyon ng pamilya ni Bagtas, malamang ay nagbigti ang binata habang lahat sila ay mahimbing na natutulog. Gumamit ang binata ng nylon cord sa kanyang pagbigti.


Si Bagtas ay estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP – Manila) sa kursong B.S. Marine Transportation.


Ayon naman sa mga magulang bi Bagtas, inaasahan nilang kasama ang kanilang anak sa pagmartsa sa darating na graduation at hanggang sa araw na pagkamatay nito ay dun lamang nila napag-alaman na hindi pala ito kasama sa magmamartsa, marahil di umasno ay hindi na nito kinaya na ipaalam pa sa kanyang mga magulang..


Ayon sa record, ito na ang ika-dalawang kaso ng pagpapakamatay sa Cavite sa loob lamang ng dalawang araw. Ang isa ay estudyante rin na kinse-anyos na nagbigti rin dahil sa pagkakaroon ng mababang grado.





Ibang mga balita...


Mga Artikulo...

Comments
No Comments have been Posted.
Post Comment
Please Login to Post a Comment.
Ratings
Rating is available to Members only.

Please login or register to vote.

No Ratings have been Posted.
Login
Username

Password



Forgotten your password?
Request a new one here.
Shoutbox
You must login to post a message.

14/08/2010 18:41
We don't accept new users registration until we identified all spammer users and deleted all spam posts

14/08/2010 17:48
We have to wipe out all spammer in this website!

20/07/2010 21:31
hellow mga kabagang....

06/07/2010 21:13
Who becomes the world champion on football? We wil

04/07/2010 00:10
..being good, doesnt always need to be nice!!

01/07/2010 14:40
And after all and the truth it has well turned out.

25/06/2010 20:34
I search girlfriend... Help!

25/06/2010 18:02
Some people like to ask stupid questions. Thats because they are stupid))

21/06/2010 06:52
I am happy that there are such people in chats Smile

21/06/2010 01:10
Andyman / Steve : musta?? bat parang laging tahimik dito??

Render time: 0.02 seconds 393,847 unique visits