Bacoor, Cavite – Isa sa mga kilabot na holdaper sa Cavite ang nahuli ng pulisya ng Bacoor, kamakailan. Ayon sa ulat ng mga pulis, agad silang rumesponde matapos matanggap ang reklamo ng mga biktima ng suspek na kinilala sa pangalang Abun Rivera, 34 anyos., nitong nakaraang Biyernes. Kaagad na nadakip at itinuloy sa istasyon ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang karampatang kaso para dito. Nakuha sa suspek ang iba’t ibang klaseng cellphone at pera, na maaring umabot sa mahigit na isang daan libong piso. Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya upang matunton naman ang lungga ng mga kasamahan ng suspek.