Noveleta, Cavite – ni- raid ng pulisya ng Noveleta ang bahay ng isang retiradong navy sa nasabing bayan kamakailan. Ang operasyon ng pulisya ay naganap nitong Marso 31 sa Salcedo II ng bayan ng Noveleta. Kinilala ang retiradong navy na si, Teodolfo Bernardo at nasa 56 anyos. Ayon sa nakuhang impormasyon ng pulisya, ang retiradong navy ay mayroong mga matataas na kalibre ng baril sa kanyang tahanan. Kaya naman ng mapag-alaman ito ng pulisya ay agad naglabas ng search warrant sa bias ni Judge Cesar Mangroban ng Regional Trial Court Branch 22 ng Imus, Cavite. Nakumpiska sa bahay ni Bernardo ang ang isang trentay otsong revolver, isang kalibre kwarentay singkong baril, magazine at mga bala nito at M16 rifle. Kasalukuyang hinaharap ngayon ni Bernardo ang kasong illegal possesion of firearms.