September 11 2010 03:08:00
51st Isyu
Forum Threads
Cavite Post Box
IBA'T IBANG TRADITION NG IBA'T IBANG RELIHIYON
cavite: ibat ibang tradition ng ibat ibang relihiyon



Christian

Born-again

Sa tuwing sumasapit ang tinatawag nating mahal na araw, iisa lang ang pumapasok sa isip natin, (yun naman ay kung kabilang ka sa mga kristiyano), ito ay ang pagkamatay ni Hesu Kristo sa krus ng kalbaryo. At sa tuwing sumasapit ang araw na ito, kanya-kanyang gimik o selebrasyon ang isinasagawa ng bawat magkakaibang relihiyon.


Kung tatanungin nyo ang paraan naming mga Kristyano, o born-again para mas ispisipiko, masasabi nyong wala rin namang gaanong pinagkaiba sa pagdiriwang ng ibang samahan, ngunit sasabihin ko naman na malaki ang pinag-kaiba.


Hindi ko masasabing pagdiriwang ang ginagawa naming, bagkus ay matatawag ko itong pag-alaala at pasasalamat. Bakit kamo? Kasi, ang mahal na araw ay simbolo ng pagkamatay ni Hesus sa krus-ang dahilan kung bakit may pagkakataon tayong mga makakasalanan na mapatawad at maligtas sa kapalit na kaparusahan.


Isa itong dakilang araw, dahil ito ang katapuran ng dahilan kung bakit bumababa dito si Hesus sa lupa, kung bakit sa kabila na alam niya ang mangyayari Sakanya, hindi Niya ito inurungan para nga tubusin tayong mga makakasalanan.


Dahil sa mga kadahilanang ito, nagsasagawa kami ng espesyal na gawain na tinatawag na “7 last words”, upang dakilain ang araw na ito at upan magpasalamat din sa kadakilaan ni Hesus.


cavite: ibat ibang tradition ng ibat ibang relihiyonKarapatdapat lang naman talagang dakilain ang araw na ito, kung tutuusin nga e kulang pa dahil hindi mababayaran ng kahit anong halaga ang ginawang pagkamatay ni Hesus sa krus. Kayang kaya niyang talikuran ang nakatakdang mangyari Sakanya, ngunit dahil sa pagmamahal Niya sa atin, buong puso Niyang hinarap ang pukpok ng martilyo sa mga kamay at paa Niya; maging ang mga latigong na literal na puminit sa balat ng buong katawan Niya; ang pagbuhat ng krus sa kabila ng halos wala ng buhay Niyang katawan; pati na ang pagkutya sa Kanya.

Kung minsan ay napapaiyak ako sa pag-aalaala lamang ng sinapit Niya sa krus at ng mga pinagdaanan Niy bago pa Siya maipako sa krus.


Katulad ng ibang araw isang oportunidad din ang araw na ito upang magpahayag kami ng salita ng Diyos sa ibang tao. Tunay na Siya lamang ang daan, ang katotohanan, at ang buhay (John 14:6)! Sa pamamagitan ng paghingi ng tawad at pagtalikod ng mga ito at pagtanggap kay Hesus bilang iyong Diyos at sariling tagapagligtas (1 John 1:7-9) ay maaari kang magkaruon ng buhay na walang hanggan at maligtas sa ngalit ng impyerno. Hinihintay ka lang ni Hesus, Siya na mismo ang lumalapit sa iyo.

Yan ang aming paraan ng pagdaraos ng mahal na araw.

SAKSI NI JEHOVA


Bagaman hindi nagseselebra ang mga Saksi ni Jehova ng Semana Santa, inaalaala naman nila ang kamatayan ni Jesus sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya, na kanilang tinatawag na Memoryal o Pag-alaala sa Hapunan ng Panginoon. Ginaganap nila ito minsan sa isang taon, kapag papatak sa Hebreong Kalendaryo na Nisan 14 ang nasabing araw na iyon, (sa taong ito ay noong Marso 30, 2010). Ito ay bilang pagsunod nila sa tagubili ni Jesus na masusumpungan sa Lucas 22: 19,20 na sinasabi: “Gayundin, kumuha siya ng tinapay, nagpasalamat, pinagputul-putol ito, at ibinigay sa kanila, na sinasabi: “Ito ay nangangahulugan ng aking katawan na siyang ibibigay alang-alang sa inyo. Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.”  Gayundin, ang kopa sa katulad na paraan pagkatapos nilang makapaghapunan, na sinasabi niya: “Ang kopang ito ay nangangahulugan ng bagong tipan sa bisa ng aking dugo, na siyang ibubuhos alang-alang sa inyo.”


Mga 2 o 3 linggo bago ang nasabing araw, ay namamahagi sila ng mga imbitasyon para sa mga tao na maaring dumalo. Pinaiigting nila ang kanilang gawaing pangangaral upang ang mga tao ay makinabang sa inihandang programa. Sa panahon ng Memoryal, ay may isang ordenadong ministro ang nagpapahayag sa madla, hinggil sa kahalagahan ng okasyon, at ano ang mga kahulugan ng mga emblemang ginagamit sa Memoryal -  ang tinapay na walang pampaalsa at pulang alak na siya mismong ginamit ni Jesus noon, bilang pag-alaala sa ginawang pagsasakripisyo ni Jesus alang-alang sa sangkatauhan. Ang mga makikibahagi lamang sa mga emblemang iyon ay ang mga may makalangit na pag-asa na kabilang sa 144, 000 na siyang pinili ng espiritu ng Diyos upang maging tagapamahalang kasama ni Kristo sa langit sa loob ng isang libong taon. Sa ngayon sila ay may nalalabing bilang na lamang na 10, 571. (Apocalipsis 14:1; Roma 8:16, 17; Apocalipsis 5:10) Ang mga hindi makikibahagi na may taglay na makalupang pag-asa na mabubuhay na walang hanggan sa Paraisong lupa ay nagiging magagalang na tagapagmasid lamang. Tinatawag nila ang dalawang grupong iyon na “munting kawan” at “ibang mga tupa”. (Lucas 12:32; Juan 10:16) Pagkatapos ng pahayag, isang patalastas buhat sa kanilang tanggapang pansangay ang binabasa sa madla, karaniwang humihimok na ipagpatuloy nila ang kanilang pagkuha ng kaalaman, sa pamamagitan ng pag-aaral sa Bibliya.


Matapos ng Memoryal, mga dalawang lingo pagkaraan, ay nagkakaroon ng isang pantanging pahayag na ipinag-aanyaya nila. Sa ganito mas naididiin ang kahalagahan ng sakripisyong hain ng ating Panginoong Jesus sa pamamagitan ng nasabing pahayag.


Iglesia Ni Cristo


Simula nang naitayo ang Iglesia Ni Cristo noong 1914 sa Pilipinas ni Ka Felix Manalo ay hindi ito nakikiisa kailanman sa mga tradition o gawi ng mga Katoliko lalo na ngayong nagdiriwang sila ng Holy Week.


Ayon sa nakapanayam ng Responde Cavite ay maganda daw itong pagkakataon para sa kanila upang magkaroon ng bonding ang kani-kanilang pamilya. Ang iba naman sa aming nakausap ay nagpupunta sila sa mga theme park kasama ang buong pamilya upang magsaya.


Karamihan naman ay nagkakaroon ng pagkakataon na magpunta sa mga resort kasama ang kanilang mga kaeskuwela at kaibigan.


Dahil sa marami sa mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ay mga estudyante at mga nag-tatrabaho ay wala na itong panahon na makapaglibang at magpalipas ng oras. Kapag dumarating ang mga ganitong panahon ay nagsasagawa ng isang malaking okasyon ang mga Iglesia Ni Cristo na tinatawag na “Santa Cena” ayon sa mga nakausap ng Responde Cavite ito daw ay paggunita sa kamatayan na Panginoong JesuKristo.


Nagdadaraos din sila ng mga malalaking pamamahayag ng mga Salita ng Diyos pagkatapos ng Santa Cena. Na kung saan ang mga miyembro sa kanilang organisasyon ay nag-aanyaya ng mga panauhin na makikinig sa mga aral na sinasampalatayanan ng Iglesia Ni Cristo.


Ang iba sa kanila ay hindi na umaalis at nagpapahinga na lamang sa kanilang mga bahay at nanunuod ng mga pelikula sa DVD, kapag brownout ay nakikipaglaro na lamang ng basketball at ginagamit ang oras sa makabuluhang mga bagay.





Ibang mga balita...


Mga Artikulo...

Comments
No Comments have been Posted.
Post Comment
Please Login to Post a Comment.
Ratings
Rating is available to Members only.

Please login or register to vote.

No Ratings have been Posted.
Login
Username

Password



Forgotten your password?
Request a new one here.
Shoutbox
You must login to post a message.

14/08/2010 18:41
We don't accept new users registration until we identified all spammer users and deleted all spam posts

14/08/2010 17:48
We have to wipe out all spammer in this website!

20/07/2010 21:31
hellow mga kabagang....

06/07/2010 21:13
Who becomes the world champion on football? We wil

04/07/2010 00:10
..being good, doesnt always need to be nice!!

01/07/2010 14:40
And after all and the truth it has well turned out.

25/06/2010 20:34
I search girlfriend... Help!

25/06/2010 18:02
Some people like to ask stupid questions. Thats because they are stupid))

21/06/2010 06:52
I am happy that there are such people in chats Smile

21/06/2010 01:10
Andyman / Steve : musta?? bat parang laging tahimik dito??

Render time: 0.02 seconds 394,632 unique visits