Sinugurado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mayroon pang sapat na supply ng tubig sa mahigit 15 milyung tao ng Cavite, Metro Manila kasama na din ang Rizal na kapwa nakadepende sa Angat Dam. Ayon kay DENR Secretary Horacio Ramos, patuloy na bumababa ang tubig sa Angat Dam ngunit dahil na din sa paampat-ampat na ulan ay napabagal nito ang pagbaba ng tubig sa nasabing Dam. Base sa nakaraang tala sa Angat Dam nitong Pebrero, umabot na sa 10 metro ang ibinaba ng tubig dito, ngunit ngayong Marso ay nasa 9.37 metro na lamang ang baba nito. Inaasahang patuloy na baba ang level ng tubig sa Angat dam na maaaring umabot sa 165 metro sa Hunyo, ganun pa man hindi naman nirerekomunda ng DENR ang dagdag na pagbabawas ng supply ng tubig. Kasalukuyang nagbabawas ng supply ng tubig upang hindi magkaroon ng krisi dito, lalo na ngayong tag-init.