General Trias, Cavite – isang 15 anyos na estudyanete ang nagpakamatay kamakailan sa nasabing bayan dahil di umano sa nakuhang mababang grado sa eskwelahan. Kinilala ni P/Supt. Gregorio Evangelista, Jr., hepe ng pulisya ng General Trias, ang bik-tima sa pangalang Vin-cent Caralde Barbo na residete ng Ville de Palm Subdivision, nasa ika-anim na grado ng Park-lane Elementary School. Di umano’y pa tigil-tigil ang bata sa pag-aaral kaya hanggang ngayon ay nasa ika-anim na baiting pa rin ito. Sa nakuhang ulat ng pulisya, si Barbo ay nag-bigti matapos mapagalitan ng kanyang mga magulang sa nakuhang mababang grado sa kanyang mga subject sa nasabing paaralan. Natagpuan itong nakabitin at wala ng bu-hay sa ilalim ng hagdan ng kanilang bahay da-kong 1:45 ng madaling araw nitong nakaraang Lunes. Samantala, nakatakda naming iuwi ang bangkay ng biktima sa Ilo-Ilo kung saan nag-mula ang pamilya nito.