September 09 2010 07:24:13
51st Isyu
Forum Threads
Cavite Post Box
47,016 botante, doble ang rehistro sa Cavite

47,016 botante, doble ang rehistro sa Cavite



Nagsagawa ang Commission on Elections (COMELEC) noong nakaraang Biyernes ng isang pagrerebisa sa mga botante sa buong Pilipinas. Kanilang napag-alaman na mahigit sa 700,000 libong botante ang nag-doble ang rehistro sa voters list. Salamat na lamang sa makabagong computer program nakita ang mga double entry na mga ito.


Sinabi pa ng Comelec na isasantabi muna natin ang mga biometric scans at ang automated fingerprint identification, ang ating gagamitin muna ngayon ay ang algorithmic matching na kinukumpirma kung ang isang botante ay nakarehistro ng hindi lamang isang beses sa iba pang lugar.

Ang programa na ito ay naglayon na isa-isahin ang mga first name, middle at last name pati na ang iyong kapanganakan na makikita sa iba pang voters list.


Sa isinagawang pagsasaayos ng tala ng mga botante sa Cavite ang pinakamarami ang bilang ng mga botante na nagdouble-entry. Tinatayang 47,016 na libo sa Cavite, sinundan naman ito ng tatlong magkakaibang distrito sa National Capital Region (NCR) kasama na dito ang ikalawang distrito na may 46,870, sa ikaapat na distrito na may 46,281 at sa ikatlong distrito na may 38,056.


Ayon na rin sa pagsisiyasat na ginawa ng Comelec napag-alaman na sa Cebu at Davao del Sur naitala ang malaking porsiyento ng mga botante na nag-doble ang rehistro. Naitala na 23,602 sa Cebu at sa Davao del Sur naman ay 34,557.


Ang pinaka-kakaunti sa kanila ay sa Batanes na 46 lamang ang naitala.


Noong nakaraang Marso 10, 2010 nagpalabas ang Comelec en banc ng isang resolusyon na alisin ang ibang tala ng mga botante na nag doble o marami ang kanilang registration records na nakalista sa Comelec Information Technology Department.


Nilalayon din ng resolusyon na ito na ang mga Boards of Election Inspectors na huwag payagan na makaboto ang mga ito sa kanilang mga kinatatalaang presinto sa darating na National May Elections.


Ipinag-uutos din nito na burahin na ang mga registration records ng mga botanteng ito sa susunod na Election Registration Board (ERB) hearings.


Ang Comelec IT Department ay nagpadala na ng mga listahan ng mga botante na ang registration record ay hindi pinapayagan na sila ay makaboto sa bawat presinto at sa bawat munisipalidad.


Kumpiyansa ang Comelec sa 200,000 libo na doble ang rehistro ang naalis sa talaan sa pamamagitan ng Automated Fingerprint Identification System (AFIS).





Ibang mga balita...


Mga Artikulo...

Comments
No Comments have been Posted.
Post Comment
Please Login to Post a Comment.
Ratings
Rating is available to Members only.

Please login or register to vote.

No Ratings have been Posted.
Login
Username

Password



Forgotten your password?
Request a new one here.
Shoutbox
You must login to post a message.

14/08/2010 18:41
We don't accept new users registration until we identified all spammer users and deleted all spam posts

14/08/2010 17:48
We have to wipe out all spammer in this website!

20/07/2010 21:31
hellow mga kabagang....

06/07/2010 21:13
Who becomes the world champion on football? We wil

04/07/2010 00:10
..being good, doesnt always need to be nice!!

01/07/2010 14:40
And after all and the truth it has well turned out.

25/06/2010 20:34
I search girlfriend... Help!

25/06/2010 18:02
Some people like to ask stupid questions. Thats because they are stupid))

21/06/2010 06:52
I am happy that there are such people in chats Smile

21/06/2010 01:10
Andyman / Steve : musta?? bat parang laging tahimik dito??

Render time: 0.02 seconds 393,847 unique visits