Daang-daan na manggagawa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang nag-walkout sa kanilang mga opisina na dismayado nitong huwebes ng umaga nang mabalitaan ang pagkakahirang kay Director General, dating Youth Assemblyman Rogelio “Roger” Peyuan ng Cavite.
Ang mga agency directors, administrators at miyembro ng union ay nagtipon-tipon sa harap ng TESDA Women’s Center upang iwan nila ang kanilang tatlong oras na trabaho. Sa demonstrasyon, na kasama ang pagbarikada sa isa sa mga gate ng TESDA compound na nasa East Service Road, South Superhighway, Taguig City ay isinagawa upang ipakita ang pagkadismaya ng mga empleyado sa bagong hirang na director. Hindi ikinatuwa ng mga tao ang ginawang desisyon ng Palasyo. Noong nakaraang linggo nang sabihin ng Palasyo ang gagawing pagbalasa sa mga posisyon sa gabinete at nabanggit na nga ng pangulo ang pangalan ni Peyuan na naging matunog na kapalit ni Augusto “Boboy” Syjuco Jr. Si Syjuco ay tatakbo na congressman sa ikalawang distrito ng Iloilo. Ang kakatwa pa nito, sa mismong party noong Miyerkules ng gabi sa Hotel Intercontinental sa Makati City na ibinigay ni Peyuan tungkol sa kanyang pagkakatalaga lumutang ang balitang hindi na matutuloy ang kanyang appoinment. Wala pang pahayag ang Palasyo tungkol sa pagkakaalis kay Peyuan o sa kung sinoman ang susunod na puno ng TESDA. Ilang malalapit na kaibigan ni Peyuan na dumating sa nasabing party ang nagsabing ilang myembro g Gabinete ang sumang-ayon sa pagbabago ng isip ng Pangulo. Ibinunyag ng nasabi ring mga source na posibleng gamitin ni Peyauan ang pera ng TESDA upang itustos sa kampanya ni Governor Ferdinand “Bongbong” Marcos sa pagka-senador. “Pawang kasinungalingan ang lahat ng ‘yan.” Pahayag ni Peyuan sa media, na sinusuportahan nya ang kampanya ni Marcos. Si Peyuan ang ang nagsilbing deputy ni Syjuco nang ang huli ang naging director General ng TESDA ay naging isa sa mga naging mambabatas ni Ferdinand Marcos noong diktadurya nito. Samantala, ang mga nagprotesta ay nagpahayag na bilang pangunahing tagapagpatupad ng Pangulong Gloria Scholarships (PGS) sa loob ng dalawang taon, hindi nasabit ang pangalan ni Peyuan sa anumang iregularidad na may kinalaman sa pondo. Pero an gang mga programa at pagbili ng mga kagamitan sa ilalim ng tanggapn ni Syjuco ang pinuntirya g imbestigasyon ng Ombudsman at paninilip ng ilang taga-media at mga trabahador ng TESDA.