Isang oras na rotating blackouts hindi lamang sa Metro Manila pati sa Calabarzon
Isang oras na rotating blackouts hindi
lamang sa Metro Manila pati sa Calabarzon
CALABARZON – Inanunsiyo ng Manila Electric Co. (Meralco) ang kanilang isasagawang “rotating blackout” kamakailan. Ito ay magsisimula ng alas-nueve ng umaga na tatagal hanggang ala-siete ng gabi. Ang mga apektadong mga lugar ay ang Batangas, Cavite, Laguna, Quezon at Rizal tumagal ang nasabing blackout hanggang alas-kuatro ng hapon. Sinabi ng Meralco na nagkukulang na ang supply ng kuryente na pinapadala ng mga fuel pump sa mga generating plants na nasa Malampaya at Sta. Rita. Ang dalawang mga power plant ay nagkaroon ng mga pagkukumpuni simula pa February. Ang kakulangan ng supply sa kuryente sa Luzon ay dahil sa mga power plant na hindi na kayang ituloy ang kanilang mga operasyon dahil sa mga buwan na lumipas na sobrang init. Ang iba naman ay hindi na nagpatuloy at nagsara na lamang.