September 11 2010 02:53:24
51st Isyu
Forum Threads
Cavite Post Box
APLAYANG MUNTI, ANG PROBLEMA DOON AY SARISARI (HULING BAHAGI)
cavite: aplayang munti, ang problema doon ay sarisari



Hirap na sa pangingisda, hirap pa rin sa iba pang aspeto ng buhay ang nararanasan ng mga taga-Aplayang Munti ng Cavite City. Isa na nga rito ang usapin ng kalusugan, alternatibong mapagkakakitaan, kabuhayan, pagpaplanong pampamilya at seguridad. Unti-unti naman itong tinutugunan ng lokal na pamahalaan.

Ngunit ano pa nga ba ang magagawa kundi pagkasyahin kung ano ang mayroon at sikaping mahagilap ang wala nang sa gayon ay mapag-abot-abot ang pangangailangan. Ito ang buhay na kinagisnan ng karamihan mula sa dati rati’y saganang dalampasigan at karagatan.

Kumapal ang tao. Dumami ang bahay. Bumaha ng basura. Hindi malaman kung ang basurang nasa kanilang mga silong ay galing sa kanila o padpad mula sa mga karatig bayan o lalawigan.


Buhay at Bahay Aplaya


Ngunit ang isa sa pinakamalaki at klasikong problema ng mga mangingisda ng nasabing lugar ay ang katiyakan sa paninirahan. Bagamat ilang dekada nang binabagabag ang mga tagaroon hinggil sa umuugong na bulungan ng banta ng demolisyon, tila multo itong laging dumadalaw sa balibat na isipan ng mga mangingisda.


“Totoong kinalakihan ko na ang bali-balitang made-demolis ang lugar na ito. Tinawanan lang ng iba.Pero may ilan pa ring hindi mapanatag. Lalo na ngayon, parang habang tumatagal at nakikita yung tambak sa Kawit at Bacoor, parang totoo na demolisyon.” Wika ng isang taga-Aplayang Munti na inuban na ang buhok sa pamamalagi sa nasabing pamayanan ng mga mangingisda.


Sa wika ng mga nakatira sa nasabing lugar, handa naman silang makipag-ugnayan at makipagtulungan sa pamahalaan kung talagang kakailanganin ang kanilang aplaya para sa mas ikakaunlad ng Cavite City. Basta’t may malinaw na relokasyon. Mapagkakakitaan at hanapbuhay na marangal. At higit sa lahat, kung aalisin ang isa, dapat alisin ang lahat. Walang palakasan. Walang padri-padrino.


Iba’t ibang samahan ng mga mangingisda ang nabuo sa Aplayang Munti dahil na rin sa uri ng pangingisda at interes sa buhay. At ang bawat samahan, may posibilidad na may ilang interes na isinusulong na posibleng taliwas sa isinusulong ng iba pang samahan. Ito ang kadalasang pinagmumulan ng iringan at pagkakahati-hati. Ngunit sa palagay naman ng iba, may iisang interes na nagbubuklod sa lahat ng mga samahan. Ito ay ang pangalagaan ang kanilang mga sariling sakop at hanay mula sa mga illegal na mangingisda mula sa ibang bayan o lugar.


Pagdating sa isyu ng mga illegal na mangingisda na pumapasok nang sadya o di sadya sa baybayin ng Cavite City, katuwang ng mga taga-Aplaya ang halos lahat ng mga samahang mandaragat sa Lunsod. Lahat ng mga mangingisda at nakatira sa Aplayang Munti ay nagkukusang bantayan ang kanilang karagatan at baybayin laban sa mga mapang-abusong illegal fishing.


Himala ng Buhay sa Munting Aplaya


Isa sa ipinagpapasalamat ng mga taga-Aplayang Munti ay ang kakaibang hubog ng kanilang dalampasigan at lokasyon dahil nakaranas na di umano ang mga tagarito ng malalakas na bagyo at sigwa ngunit kung ihahambing sa iba pang lugar na tabing dagat sa cavite City, higit silang panatag at ligtas. Hindi gaanong nasasalanta.


Nakakaraos at naidaraos pa rin ang buhay. Masaya nilang pinagsasaluhan ang dapit-hapon sa pamamagitan ng kwentu-kwentuhan at umpuk-umpukan matapos ang mabigat na pakikipagbuno sa alon, hangin, sagwan, kawil at lambat.


Karamay ang pangat o paksiw, inihaw o piniritong isdang huli, palalanguyin sa sabaw ang kaning lamig, katuwang ang kape o ilang tagay ng agua de pataranta... pasasaan ba’t bago tuluyang lumatag ang dilim... may naiipon nang lakas ng katawan at loob para harapin ang bagong umaga sa kinagisnang aplaya.



Ibang mga balita...


Mga Artikulo...

Comments
No Comments have been Posted.
Post Comment
Please Login to Post a Comment.
Ratings
Rating is available to Members only.

Please login or register to vote.

No Ratings have been Posted.
Login
Username

Password



Forgotten your password?
Request a new one here.
Shoutbox
You must login to post a message.

14/08/2010 18:41
We don't accept new users registration until we identified all spammer users and deleted all spam posts

14/08/2010 17:48
We have to wipe out all spammer in this website!

20/07/2010 21:31
hellow mga kabagang....

06/07/2010 21:13
Who becomes the world champion on football? We wil

04/07/2010 00:10
..being good, doesnt always need to be nice!!

01/07/2010 14:40
And after all and the truth it has well turned out.

25/06/2010 20:34
I search girlfriend... Help!

25/06/2010 18:02
Some people like to ask stupid questions. Thats because they are stupid))

21/06/2010 06:52
I am happy that there are such people in chats Smile

21/06/2010 01:10
Andyman / Steve : musta?? bat parang laging tahimik dito??

Render time: 0.04 seconds 394,625 unique visits