September 11 2010 02:52:41
51st Isyu
Forum Threads
Cavite Post Box
Pamayanang Maliksi

Pamayanang Maliksi

(Pamayanan ng mga Makabagong Kabitenyong Rebolusyonaryo)


Wala yatang pamilyang Caviteño ang hindi naghangad na magkaroon ng sariling bahay. Isang disenteng bahay na ang bawat kasapi ng pamilya ay panatag ang loob at may payapang isip dahil hindi lang may bubong sa ulunan laban sa init o lamig ng panahon, may dingding na panangga sa hangin at sahig na hindi nagpuputik o nag-aalikabok sa bawat pagkakataon. Kundi nabibilang sya sa isang natatanging pamayanan. Pamayanang namumuhay sa iisang layunin at adhikain. Mamuhay ng marangal,maunlad at payapa. Pamayanang sinisimbolo ng mga Makabagong Kabitenyo. Pamayanang Kabitenyong Rebolusyonaryo.

Ito ang Pamayanang Maliksi.


Layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite sa pangunguna ni Gob. Ireneo “Ayong” Maliksi at katuwang na si Vice-Gov. Dencito “Osboy” Campaña sampu ng mga kasamahan sa Kapitolyo na mabigyan ng pagkakataon ang mga Caviteño na magkaroon ng sariling bahay sa abot-kayang halaga.


Ang Pamayanang Maliksi ay matatagpuan sa Pasong Kawayan II ng Gen. Trias na may 53 ektarya na pag-aari ng Lalawigan ng Cavite. Malapit lang ang nasabing pabahay sa sentro ng kalakalan, eskwelahan, ospital, pagawaan, pamilihan, simbahan at iba pang institusyong mahalaga sa buhay ng mga Caviteño. May malawak at sementadong daan para sa mamamayan at sasakyan. Sapat na daloy ng tubig para sa buong komunidad. May kuryenteng dadaloy sa bawat kabahayan. At sa kalaunan, makikita ang pagtatayo ng mga commercial areas, health center, religious center, village center, parke at palaruan.


Nakatalaga ang Munisipyo ng Gen. Trias upang kolektahin ang basura. Samantalang sinasagot naman ng Lalawigan ng Cavite ang right of way, alternative access road at livelihood training para sa mga maninirahan sa Pamayanang Maliksi. Kung tutuusin, ganap na itong pamayanan dahil gawa na ang mga daan, kanal, linya ng kuryente, clubhouse at mapapansin na rin ang agarang pagtatayo ng mga poste ng Meralco. 1002 units ng mga bahay na duplex type ang gawa na at pwede nang lipatan sa Phase 5 at ang karamihan ay patapos na rin sa Phase 4 at 2.


Sa huling tala ng pamahalang Panlalawigan ng Cavite (Marso 15, 2010), may 1615 na yunit na ng mga bahay ang naibenta at 921 na ang nakalipat. May 694 naman ang nakatakdang lumipat.


Ang isang Duplex (sa Phase 5 at 4) ay nagkakahalaga lamang ng P300,000 na maaring hulugan ng P2,150.00 sa loob ng 25 taon na may sukat ng lupa na 48 sqm samantalang ang Single Attach (sa Phase 2) na may sukat na 64 sqm ang lupa, nagkakahalaga lamang ito ng P407,00 bawat yunit na huhulugan sa loob ng 25 taon sa halagang P2,850. May mga commercial lot din na ibenebenta.


May Loan Counselling na isinasagawa tuwing Linggo (9:00nu-12:00 n.t.) sa New Session Hall, Legislative Building, sa Kapitolyo ng Cavite, sa Trece Martirez City. At may Site Tripping din tuwing Linggo rin (9:00nu-12:00 n.t.) na ang Kapitolyo ang siyang magiging lugar ng tagpuan.


Para sa katanungan at karagdagang impormasyon, maaring tawagan ang mga sumusunod na linya: (046) 4192689/2390 at 09291173489.





Ibang mga balita...


Mga Artikulo...

Comments
No Comments have been Posted.
Post Comment
Please Login to Post a Comment.
Ratings
Rating is available to Members only.

Please login or register to vote.

No Ratings have been Posted.
Login
Username

Password



Forgotten your password?
Request a new one here.
Shoutbox
You must login to post a message.

14/08/2010 18:41
We don't accept new users registration until we identified all spammer users and deleted all spam posts

14/08/2010 17:48
We have to wipe out all spammer in this website!

20/07/2010 21:31
hellow mga kabagang....

06/07/2010 21:13
Who becomes the world champion on football? We wil

04/07/2010 00:10
..being good, doesnt always need to be nice!!

01/07/2010 14:40
And after all and the truth it has well turned out.

25/06/2010 20:34
I search girlfriend... Help!

25/06/2010 18:02
Some people like to ask stupid questions. Thats because they are stupid))

21/06/2010 06:52
I am happy that there are such people in chats Smile

21/06/2010 01:10
Andyman / Steve : musta?? bat parang laging tahimik dito??

Render time: 0.02 seconds 394,625 unique visits