September 09 2010 07:23:39
51st Isyu
Forum Threads
Cavite Post Box
1 PATAY, 1 nawawala 2 MARINES TINAMBANGAN
1 PATAY, 1 nawawala

2 MARINES TINAMBANGAN



Ternate, Cavite - Patay ang isang sundalo ng Philippine Marines habang nawawala naman ang isa pa nitong kasamahang sundalo dahil sa naganap na pananambang ng mga di pa nakikilalang salarin sa nasabing bayan kamakailan.


Kinilala ng pulisya ang napaslang na si 2nd Lt. Lowell Hobinario, 28, tubong Mandaue, Cebu habang nawawala naman si 2nd Lt. John Santiago, 24, tubong Quezon, Palawan, na kapwa nakadestino sa Marine Base Training School sa Ternate.

Ayon sa ulat ng pulisya, nitong nakaraang Lunes dakong ala 7 ng gabi, habang pabalik ng kampo ang dalawang sundalo sakay ng motorsiklo ay hinarang ang mga ito at pinagbabaril ng mga di pa nakikilalang lalaki pagsapit sa Barangay Sapang I ng nasabing bayan.


Naisugod pa sa San Lorenzo Ruiz Hospital sa Naic, Cavite si Lt. Hobinario ngunit makalipas ang apat na oras ay namatay din ito dahil sa natamong tama ng bala sa tiyan. Samantala, hindi naman natagpuan si Lt. Santiago sa lugar na pinagyarihan nang rumesponde ang pulisya.


Isa sa mga hinihinalang may kagagawan ng pangyayari ang New People's Army ngunit ayon din sa imbestigasyon ay marahil kapwa sundalo sa Philippine Marines nasa likod ng nangyaring pananambang.


Patuloy namang nagsasagawa ng masu-sing imbestigasyon ang pulisya upang malaman ang tunay na dahilan at kung sino ang salarin.



nadia dela cruz



Ibang mga balita...


Mga Artikulo...

Comments
No Comments have been Posted.
Post Comment
Please Login to Post a Comment.
Ratings
Rating is available to Members only.

Please login or register to vote.

No Ratings have been Posted.
Login
Username

Password



Forgotten your password?
Request a new one here.
Shoutbox
You must login to post a message.

14/08/2010 18:41
We don't accept new users registration until we identified all spammer users and deleted all spam posts

14/08/2010 17:48
We have to wipe out all spammer in this website!

20/07/2010 21:31
hellow mga kabagang....

06/07/2010 21:13
Who becomes the world champion on football? We wil

04/07/2010 00:10
..being good, doesnt always need to be nice!!

01/07/2010 14:40
And after all and the truth it has well turned out.

25/06/2010 20:34
I search girlfriend... Help!

25/06/2010 18:02
Some people like to ask stupid questions. Thats because they are stupid))

21/06/2010 06:52
I am happy that there are such people in chats Smile

21/06/2010 01:10
Andyman / Steve : musta?? bat parang laging tahimik dito??

Render time: 0.02 seconds 393,847 unique visits