September 09 2010 07:21:33
51st Isyu
Forum Threads
Cavite Post Box
Kanino ang Bacoor?

Kanino ang Bacoor?

Bagong Distrito.  Bagong Politika, Bagong Politiko?



Sa kasaysayan ng politika sa Cavite, napakalaking papel ang ginagampanan ng Bayan ng Bacoor dahil sa laki ng mga rehistradong botante sa nasabing lugar. Noong mga panahong kabilang pa sa Unang Distrito ang Bacoor kasama ng Kawit, Noveleta, Rosario at Cavite City, ang pagwawagi sa Bacoor, ay singkahulugan na sa pagwawagi sa halalan. Kaya naman, isa ito sa tuon ng panunuyo ng mga kandidato sa pagka-konggresista Ngayong hiwalay na ang Bacoor at naging Ikalawang Distrito na ng Lalawigan ng Cavite, muli itong lilikha ng kasaysayan. Maghaharap sa unang pagkakataon ang dalawang kandidato mula sa angkan na kapwa maimpluwensya sa larangan ng politika. Ito ay sa katauhan nina Lani Mercado-Revilla na may bahay ni Sen. Bong Revilla at Del Abaya, dating Congressman ng Unang Distrito ng Cavite.


Sa eksklusibong panayam ng Responde Cavite, inilahad ng dalawang panig ang mga napapanahong isyu at katanungan na may kinalaman sa kanilang kandidatura at distritong kanilang nais paglingkuran.

Lani Mercado-Revilla


cavite: Kanino ang Bacoor? Bagong Distrito.  Bagong Politika, Bagong Politiko?1. Noong una, akala ko, tutulong na lang ako kay Mayor Strike sa pagpapaganda ng Bacoor. Nang magkaroon ng sariling Distrito ang Bacoor, ito na ang naging hudyat ko para tumakbo bilang kinatawan ng Lone District ng Bacoor. Pero bago ako tuluyang nagpasya, umikot muna ako sa Bacoor. Pinakiramdaman ang pulso ng mga tagarito. At alam ko na si Cong. Del Abaya ang makakatapat ko. Nalaman ko rin na nagparehistro sya dito sa Bacoor.

2. Ang tunay na magbibigay ng kalayaan sa Bayan ng Bacoor ay ang pagiging syudad nito. Tatlong termino na naming itong ipinaglalaban. At inamin naman ni Cong. Plaridel Abaya na sila ang unang umayaw na maging syudad ang bayan ng Bacoor sa kadahilanang malaking kawalan ito sa probinsya sa panahon nya. Isa pa rin dito ang reclamation at demolition na dapat harapin. Dapat mapagplanuhan ito ni Mayor Strike at ng inyong lingkod kung papalarin upang magkaroon ng solidong urbanized housing program. Dapat mabili ang lupa na malapit sa kanilang lugar (mga informal settlers) upang hindi masyadong malayo sila sa kinagisnang nilang trabaho. Yung tunay na housing program. Yung may mahahawakan silang papel na kanila na talaga ang lupa. At nakakalungkot na ipinambabato sa amin ito ng mga kalaban na kami raw ang pasimuno ng demolisyon. Sa totoo lang, kami po ang nagbibigay ng proteksyon sa mga mamamayan ng Bacoor. Hindi kami papayag na magkaroon ng demolisyon nang walang permanenteng matutuluyan ng mga mamamayan.


Sa pagtutulungan ni Sen. Revilla at Mayor Strike, inuna naming ang Daang Hari para maibsan ang trapiko. Malapit na rin magkaroon ng MRT. Magkakaroon na rin ng widening ng Molino Boulevard. At baka magkaroon pa ng mas maraming fly over. Tignan natin ang magiging epekto ng pagbubukas ng R1. Kasama sa programa ko ang flood mitigation program. Isa na nga rito ay yung paglilinis at pagbubuhay ng mga ilog ng Bacoor. Kailangang bumili ng equipment.


Bilang Co-Chairman ng Solid Waste Management Board, puspusan din ang kampanya natin sa Solid Waste Management seminar, hinihikayat namin ang mga subdivision na magkaroon ng sariling MRF (Material Recovery Facility), nasimulan na namin ito sa Bahayan Pag-asa.


Kung syudad na ang Bacoor, madadagdagan ang kapulisan at bumbero. Mas mapapangalagaan ang peace and order. Kasama na dyan nag pagtutol natin sa drugs at sugal.


Kailangan din ng Bacoor ang pagpaplano sa gamit ng lupa. Dapat magkaroon ng balance sa agrikultura, paninirahan at trabaho.


3. Prayoridad natin ang edukasyon. Mas kailangan natin ng maraming eskwelahan at gawing flood friendly ang mga ito. Para magamit sa mga relokasyon kung may baha at bagyo. Bigyan diin ang books for all at computer education program. Kung sinasabi ng aking kalaban na edge nya ang kanyang scholarship program, wag silang mag-alala. Ia-adopt ko silang lahat at madadagdaga pa lalo na kapag naging syudad na ang Bacoor. Dapat dito sa Bacoor, libre na ang ID at yuniporme. Paigtingin din ang ALS (Alternative Learning System) at magkaroon ng High School diploma, gayundin ang technical skills.


4. Tignan natin ang Las Piñas, Dasmañas at Parañaque... magkakamag-anak ang namumuno sa mga lugar na ito. Pero mauunlad sila. Nakakatulong ba ang magkakamag-anak sa pagpapaunlad ng nasabing lugar. Ang kabutihan kasi nito, mas nagtutulungan at wala nang awayan kasi magkakatulad kayo ng hangarin... ang paunlarin ang lugar na inyong pinaglilingkuran. Kaya inihahalal ng tao ang magkakamag-anak, kasi alam ng mga tao na kahit na magkakamag-anak, nakakatulong.


5. Hindi ko ambisyon ang kapangyarihan. Masaya na ako sa buhay ko bilang maybahay ng isang senador, artista at ina. Pero nagkaroon ng pangangailangan upang magkaroon ng kinatawan ang Bacoor. Matagal na kasing nasisikil ang kalayaan ng Bacoor. Inaasahan kasi naming na sa labinlimang taon nilang pag-upo, sana naging ganap nang lunsod ang Bacoor. Kailangan ng taga-Bacoor ng totoong tinig. Nagkataon na ako po ay taga-Bacoor, 24 na taon ang nakatira dito, alam ko kung talagang umabante na ang Bacoor o hindi gaya ng sinasabi ng aking katunggali, kung hindi pa po nagsama sina mayor Strike at Senator Bong, hindi pa makikita ang ganda ng Bacoor. Ano pa kaya kung madadagdagan ng isang kasama na magbibigay ng karagdagang funds para sa bayan ng Bacoor. Priority ng CDF ko kung saka-sakali, una, matulungan ang ospital namin. 40% completed na po ang trauma at emergency center sa Habay na ang lupa ay inihandog ng aming mahal na Ama (Sen. Ramon Revilla Sr.) at pinondohan ni Se. Bong Revilla, gagawin kop o itong maging District Ospital. Pagpapatayo ng two-to-three storey building para maging eskwelahan. Bagong City Hall. Lahat mapupunta sa development, basic services. Maipakit na ang Bacoor ay tunay at karampatang Gateway ng Lalawigan ng Cavite.


6. Sa mga mahal kong kababayan sa bacoor, maraming salamat sa mainit nyong pagtanggap sa akin. Alam kong minahal nyo ako sa mga programa ko sa telebisyon, sa mga pagkakataong nakikita nyo ako’t nakakamayan... sana kasing kahulugan po ito ng suporta nyo sa akin. Sa darating pong eleksyon, si Ate Lani po ay tumatakbo hindi para sa personal na ambisyon.Gusto ko lang pong makatulong. At maging ganap na lunsod ang Bacoor. Paglilingkuran ko ang Bacoor gaya ng paglilingkod ko sa aking pamilya.


Del Abaya


cavite: Kanino ang Bacoor? Bagong Distrito.  Bagong Politika, Bagong Politiko?1. Ang author ng paghihiwalay ng Bacoor bilang sariling distrito ay si Cong. Junn Abaya. Maraming nagsabi na “Congressman, ba’t mo ginawang pito. Eh, kung tatlo lang, siguradong siguradong wala kang talo.”  Pero hindi inuna ni Congressman Junn abaya ang kanyang personal na interes kundi ang interes ng Lalawiagn ng Cavite. Pero kung hindi naman nahiwalay ang Bacoor, hindi naman ako tatakbo kasi third term na ito ni Congressman Junn Abaya.

2. Kasama ng rapid urbanization ay ang trapik, drainage system, baha, basura at crime. Bagamat ilan sa mga responsibilidad na ito ay nasa lokal na pamahalaan, gagawin naming ang aming buong makakaya para makatulong partikular sa infrastraktura na pangangailangan tungkol sa rapid urbanization. At sana,makatulong tayo sa  pagtugon sa mga problemang ito. May 70 milyong pisong nakalaan sa isang distrito. Sa loob ng maraming taon, halos 30 milyon piso dito ang inilaan sa Bacoor. Halos kalahati nito, inilalaan sa edukasyon at scholarship. Mula elementary, high school at college. Yung iba pang natitira para sa infrastructure. Pero sa tingin namin, mas marami kaming nagagawa sa 30 milyong piso sa Bacoor kesa sa ibang tumatanggap ng 200 milyon. Tanungin natin ang mga mamamayan ng Bacoor. Sa Usapin ng baha, may isinagawa nang pag-aaral ang JICA (Japan International Cooperation Agency) tungkol dito. Alam ko, patapos na ito. At anumang resulta nito, magagamit sa problema sa baha.Sa usapin ng basura, naglibot-libot ako. At ito ang sinasabi ng mga tao, “Kami ay nabubuwisan kasama ng real estate tax kasama yung basura, pero hindi kinukuha ang basura namin. Handa kaming makipagtulungan sa lokal na pamahalaan at isantabi ang politika para matugunan ang problema sa basura.


3. Sa loob ng labinlimang tao, nakatutok talaga kami sa edukasyon lalong lalo na sa pagbibigay ng scholarship. Lalo na ako, kasi naulila na ako sa murang edad (walong taon). Nagsumikap akong mag-aral at naging Valedictorian noong high school. Kumuha ako ng exam. At nakapasok sa Philippine Military Academy. Naniniwala kami na ang kalakasan n gating bayan ay manggagaling sa edukasyon. Kayat ipagpapatuloy pa rin namin ito at hihigitan pa. Nagtanong tanong ako sa mga guro natin dito sa Bacoor kung ilan sa mga estudyante ang maakarating sa kolehiyo. At sabi ng mga teacher ay sampung porsyento lamang.Ilan lamang ang makapag-aaral at magiging doctor, abogado at propesyunal. Kasama rin dyan ang pagbibigay pansin sa technical courses. Bagamat walang state university ang Bacoor, marami pa ring eskwelahang papasukan sa tulong ng scholarship. At pag-aaralan natin kung paano magkakaroon n sariling state university ang Bacoor.


4. Dapat muna nating bigyang kahulugan ang political dynasty. Kapag sinabing political dynasty, ginagamit ng politiko ang kanyang kapangyarihan para maimpluwensyahan ang sitwasyon. Gaya ng pananakot. Gagamitin ang kaban ng yaman para bumili ng boto. Sa loob ng maraming taon, kahit isang sentimo ay hindi kami gumamit para sa personal na politikal na kapakinabangan. Hindi kaming nang-abuso o nanggipit ng tao. Nasa ilalim tayo ng demokrasya. Ito ang demokrasya. At ano ang demokrasya? Kalayaan sa pagpili. Gaya ng isang gabi. May meeting sa Molino 2. Nananakot sila. Sa ilalim ng Konstitusyon, may karapatan ang tao magtipon-tipon. Bigyan natin ng karapatan ang mga tao ng kalayaang mamili. Hayaang mamili ang mga mamamayan kung sino ang higit na kwalipikado. Ipinamigay ko na sa buong Bacoor ang aking Biodata. Nasa tao na ang pagpapasya na dapat kumatawan sa Bacoor sa Kongreso.


5. Ang nangyayari sa bayan natin ngayon ay alam na nating lahat. Laganap ang kahirapan. Ang Cavite, na inaakalang maunlad ay laganap ang kahirapan. Naiwanan na tayo. Dati, ikalawa tayo sa japan. Ngayon, nahuhuli na tayo. Dahil iyan sa korapsyon. Gusto kong makatulong. Gusto kong masugpo ang korapsyon. Kwalipikado ako sa larangan ng akademya, sa training at batay sa mga nakaraang kong record, magiging mas mahusay akong tinig ng Bacoor.


6. Dapat maging alerto ang mga mamamayan at protektahan ang demokrasya. Wag nilang hahayaan ang anumang panggigipit na magtagumpay. Ang kasaysayan n gating lalawigan, nasa battle of Zapote Bridge, ang kauna-unahang tagumpay ng laban ng mga rebolusyunaryo.


Dagdag pa rito, isang source ng Responde Cavite ang nagbigay ng impormasyon na may nakahaing disqualification case laban kay Former Congressman Del Abaya. Ito ay dahil di umano, hindi talaga taga-Bacoor ang dating Konggresista.


“May nagtatangkang ipa-disqualify ako ngayong election. Nang paimbestigahan naming, lumapit sa amin yung tao. At sinabi nya, may nag-utos lang sa kanya. Nakiusap pa ng na wag naming syang ihabla. Marami nang naging ganyan.g pangyayari. Noong 2007, nagkaroon ng dalawang Malvar na tumatakbo. Para pahinain si Malvar. Ngayon, may dalawang Castillo na tumatakbo. Pra pahinain ang kandidatura ni Castillo. Sino ang nasa likod ng mga ito? Dapat patas ang demokrasya. Ang grupong ito, hindi alam ang kahulugan ng salitang ‘patas.’” Ang naging tugon ni Del Abaya.


Itinanggi naman ng kampo ni Lani Mercado-Revilla na sa kanila nanggaling ang taong naghain ng disqualification case laban kay Del abaya.


“May isang nagmamalasakit na mamamayan na kumukwestyon sa pagtakbo ni Cong. Del Abaya sa bacoor, kasi alam naman ng lahat na Kawit ang origin ng aking katunggali. Kailangan pa nilang lumipat at mag-over the bakod dito sa Bacoor. Hindi pa yata sapat ang Kawit, Noveleta, Rosario at Cavite City. Pero alam ng lahat na ako, ang pamilya ko, dito nakatira sa Bacoor. Sa loob ng 24 na taon, dito ako  nakatira, nakarehistro at bumuboto.” Ang pagpapaliwanag ni Mercado-Revilla.


Abangan sa mga susunod araw ang pag-a-upload ng ilang piling bahagi ng interview sa website ng responde cavite.




Mga katanungan
at isyung pinag-usapan:


1. Ngayong isa na pong ganap at hiwalay na Distrito ng Cavite ang Bacoor, paano po binago nito ang mga nauna nyong plano sa politika?


2. Napakalaki po ng land area at populasyon ng Bacoor Cavite, kaugnay po nito ang iba’t ibang suliranin, ano po ang magiging tugon nyo sa mga sumusunod na isyu? Ano pong batas o proyekto ang itutugon nyo dito?

Rapid Urbanization, Trapiko, Baha, Basura, Krimen, Sugal at droga

3. Isa po sa mga pangmatagalang solusyon sa kahirapan ay edukasyon, bilang kakatawan sa Ikalawang Distrito ng Cavite, ano pong batas o proyekto ang ipagkakaloob nyo sa inyong nasasakupan?


4. Kilala po ang Cavite sa mga maiimpluwensyang angkan lalo na sa politika. At ilan po sa inyong mga kamag-anak ay nasa politika rin. Maituturing nyo na po ba itong political dynasty? Ano po ang reaksyon nyo dito?


5. Bakit kayo po ang dapat maging kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Cavite?


6. Ano po ang inyong mensahe sa mga mamamayan ng Bacoor?



Ibang mga balita...


Mga Artikulo...

Comments
No Comments have been Posted.
Post Comment
Please Login to Post a Comment.
Ratings
Rating is available to Members only.

Please login or register to vote.

No Ratings have been Posted.
Login
Username

Password



Forgotten your password?
Request a new one here.
Shoutbox
You must login to post a message.

14/08/2010 18:41
We don't accept new users registration until we identified all spammer users and deleted all spam posts

14/08/2010 17:48
We have to wipe out all spammer in this website!

20/07/2010 21:31
hellow mga kabagang....

06/07/2010 21:13
Who becomes the world champion on football? We wil

04/07/2010 00:10
..being good, doesnt always need to be nice!!

01/07/2010 14:40
And after all and the truth it has well turned out.

25/06/2010 20:34
I search girlfriend... Help!

25/06/2010 18:02
Some people like to ask stupid questions. Thats because they are stupid))

21/06/2010 06:52
I am happy that there are such people in chats Smile

21/06/2010 01:10
Andyman / Steve : musta?? bat parang laging tahimik dito??

Render time: 0.02 seconds 393,847 unique visits