Isang drayber na residente ng Trece Martires City ang nakahati ng katawan nang makasagasa habang nagmamaneho ng 10-wheeler truck sa Marilao, Bulacan kamakailan. Kinilala ang drayber na si Gil Bernardo, 32, residente ng Southville 2, Trece Martires City, na kaagad namang sumuko sa pulisya matapos ang pangyayari. Kinilala naman ng pulisya ang biktima na si Roderick Gomez, 31, binata at residente ng Brgy. Gulod, Novaliches Proper, Quezon City. Ayon sa ulat ng pulisya, nakaangkas sa motorsiklo ang biktima nang biglang may nag-overtake na isa pang motorsiklo sa mga ito na siyang naging dahilan ng pagtilapon ni Gomez na naging sanhi naman ng pagkasagasa dito ng 10-wheeler truck na siyang minamaneho ni Bernardo. Nahati ang katawan ng biktima dahil sa kalunus-lunos na pangyayari. Muli namang pinaalalahanan ng pulisya ang mga motorista na magkaroon ng dagdag na pag-iingat sa pagmamaneho.