Bacoor, Cavite – Isang pedicab driver ang nawalan ng buhay matapos pagsasaksakin ng isang ex-convict sa nasabing bayan kamakailan. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jaime de Rosas, 47-anyos. Ayon sa ulat ng pulisya, nag-ugat ang pangyayari ng magkatitigan lamang ang dalawa sa Brgy. Longos, Zapote, Bacoor, Cavite at humantong sa pananaksak ng suspek, na kilala sa alyas na ‘Tagupa’, sa biktima. Agad namang tumakas si ‘Tagupa’, matapos ang pangyayari. Napag-alaman din na ang salarin ay bagong laya lamang dahil sa panghoholdap. Sa kasalukuyan ay pinaghahahanap na ang salarin upang masampahan ng karampatang kaso at parusa dahil sa pangyayari.