Angat dam nasa kritikal
Bumaba na sa kritikal na lebel na 180 meter ang tubig sa Angat Dam na naging dahilan upang magdesisyon ang samahan ng Angat Dam na putulin pansamantala ang alokasyon ng tubig para sa irrigation upang magkaroon ng sapat ng supply ng tubig sa Cavite, Metro Manila at iba pang lugar na sakop ng distribusyon ng Angat Dam.
Ayon kay Mendel Garcia, head ng Angat Watershed Area Team (AWAT), umabot na ang pagbaba ng lebel ng tubig ng naturang dam sa 179.94 metro (above sea level) at pinangangambahang bababa pa sa mga susunod na araw.
Tinatayang sa bawat oras na nagsusupply ng tubig ang Angat Dam (36 cubic meters per second) sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay nababawasan ito ng 1 centimeter.
Mahigi't kumulang 14 milyung residente ang sinusuplayan ng tubig ng MWSS kabilang na ang probinsya ng Cavite.
Ayon naman sa ilang magsasaka, simula pa man nitong Marso ay natutuyot na ang kanilang mga pananim kahit pa may supply sila para sa irrigation sa pamamagitan ng National Irrigation Administration (NIA).
Ayon naman kay Denis Gana, spokesperson ng National Power Corporation (Napocor) na siyang may hawak ng naturang dam, ang pagtanggal ng alokasyon para sa irigasyon ay makapagbibigay daan upang magkaroon pa ng sapat na supply ng tubig sa tao.
Bukod pa dito, pinayuhan di umano sila ng National Water Resources Board (NWRB) na gawin ang ganitong hakbang sakaling umabot na sa kritikal na lebel ang tubig sa Angat Dam.
Base pa di umano sa Philippine Water Code, ang pagsusupply ng malinis na tubig para sa tao ang dapat na prioridad ng Angat dam, pangalawa lamang ang irrigation at pangatlo ang para sa power generation.
Ayon naman sa AWAT, nagsisilbi ding panawagan ito sa mga presidentiables upang bigyan pansin ang water conservation sa Pilipinas.
WILLY GENERAGA
Ibang mga balita...
Mga Artikulo...
|