Trece, Martirez, Cavite – Patay ang isang estudyante dahil sa fraternity hazing kamakailan.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Daniel Lorenz Jacinto, 18, isang 2nd-year engineering student sa Mapua Institute of Technology (MIT), Ayon sa impormasyong nakalap ng pulisya, patay na si Jacinto ng isugod ito sa MB Santiago Medical Center, at ang itinuturong dahilan ng kamatayan ay ang malalang pinsala at pasa sa katawan ng binata na si umano’y sanhi ng hazing. Inaresto naman ang anim na kapwa estudyante ng Mapua at siyang nagsipagdala kay Jacinto sa Ospital. Kinilala ang mga ito na sina: John Arman Cencosa, Paulo Alvarez, Marco Paulo Sarlo, Emil John Villanueva, Ronnie Moso at Glenn Angelo Mansilya. Ayon sin sa ulat ng pulisya, hindi ipinahahayag ng mga nabanggit na inaresto ang buong detalye ng pagkamatay ni Jacinto. Sa kasalukuyan ang anim ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti Hazing Law.