Dahil sa pagnanais na magkaroon ng tapat, maayos at payapang eleksyon, nagsagawa ang Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Regional Police Office ng tinatawag na weekly prayer vigil. Ayon kay Superintendent Jerry Protacio, regional police information officer, ang naturang prayer vigil na nagsimula nitong Abril 14 ay magpapatuloy tuwing Miyerkules hanggang sa huling linggo ng buwan na ito. Itinuturing na non-sectarian ang prayer vigil, kung saan imbitado ang mga lider ng iba’t ibang paniwala na pangunahan ito. Sa isang pahayag ni Chief Supt. Rolando Añonuevo, regional police director, ang lingguhang panalangin ay nagnanais na magbigay sa bawat pulis ng munisipalidad na bigyang importansya ang kapangyarihan ng pananalangin sa Ma-kapangyarihang Diyos.