Nagpahayag ang Sangguniang Panlalawigan ng Palawan sa Cavite Ideal Incorporation (CIC) na madaliin ang konstruksyon ng mga tulay at kalsada sa katimugang bahagi ng Palawan. Ayon kay Board Member Ernesto Llacuna, magiging pahirap sa mga mamamayan ng apektadong lugar ang kontruksyon kung aabutin ito ng tag-ulan. Tinatayang paglampas ng Hunyo ay magsisimula ng umulan kaya umaasa si Llacuna sa CIC na tutuparin nito ang kanilang pangako na bago matapos ang buwan ng Hunyo ay tapos na ang konstruksyon ng mga tulay at kal-sada.