Naic, Cavite – Patay ang sport editor ng dalawa sa sikat na babasahin kamakailan, habang nangingisda kasama ang mga kasamahan sa nasabing bayan. Kinilala ang sport editor na si Willie Caballes, 56 anyos, assistant editor ng Manila Bulletin at editor ng Sports Digest magazine. Ayon sa ulat, habang nangingisda si Caballes sa isang beach resort sa Naic, kasama ang kanyang mga kaibigan, ay bigla na lamang itong nag-collapse. Agad naman itong isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ngunit hindi na naisalba ang buhay ni Caballes. Si Caballes ay dating Bulletin librarian na nagpasyang ituon ang atensyon sa sports writing sa mahigit dalawang dekada. Ito rin ang naging director ng National Press Club. Ayon naman kay Ding Marcelo, Bulletin sports editor, isang malaking kawalan si Caballes sa kanilang samahan.