September 09 2010 07:33:06
51st Isyu
Forum Threads
Cavite Post Box
WARNING: INDELIBLE INK FOR SALE!
cavite: Warning indelible ink for sale



NAGBABALA ngayon ang ilang kandidato sa lalawigan ng Cavite, particular sa low land sa malawakang benahan ng indilible ink!


Ayon sa isang campaign manager na ayaw magpakilala, isiniwalat nito sa Responde Cavite kamakailan ay inalok siya ng isang opisyal ng lokal Comelec ng indelible ink.

Nagulat pa umano ang campaign manager ng tahasan siyang alukin nito. Pero ganunpaman, magalang umano niyang tinanggihan ang alok ng opisyal.


“Matagal na ang pamilya naming sa politika, pero kailanman ay hindi naming ginawa ang mandaya o mang-abuso,  dahil ito ang isa sa mga ipinaglalaban namin, ang madaya ang  tao.” Pahayag ng campaign manager sa Responde Cavite.


Sinabi pa nito na kailanman ay walang tamis ang panalong galing sa daya. Dahil parang dinadaya mo na rin aniya ang sarili mo.


“Alam mo sa sarili mo na ayaw sa ‘yo ng tao. Hindi ka nila ibinoto. Tapos aangkinin mo ang karangalang hindi para sa ‘yo,” dagdag pa ng campaign manager.


Idinagdag pa ng nasabing campaign manager na kaya niya isiniwalat sa Responde Cavite ang ganitong katiwalian ay upang mabigyang-babala ang publiko.


“Mabuti na lang sana kung pareho ng pamilya namin ang mentalidad na ayaw sa likong gawain ng pulitiko ang aalukin ng indelible ink. Paano kung may masamang budhi ito?


Samantala, sa imbestigasyong isinagawa ng Responde Cavite, sa isinagawang panayam sa isang Election Officer (EO) na tumangging pangalanan, sinabi nito na talagang may nagaganap na bentahan ng indelible ink.


Lalo na aniya ngayon na mahihirapang makapandaya dahil automated elections na. Pati dagdag-bawas ay niya ay baka hindi makalusot kaya sa paglalagay na lang ng indelible ink maaaring makalusot ang mga kandidato.


Napag-alaman pa ng Responde Cavite na ginagamit ng mga kandidato ang indelible ink sa mga taong alam nilang hindi sila ang iboboto.


Lalagyan nila ng indelible ink ang daliri upang hindi na makaboto sa kalaban kapalit ng napagkasunduang halaga.


Napag-alaman pa ng Responde Cavite na ang kadalasang ibinebentang indelible ink ay mga natira nang nakaraang eleksyon.


“Kalimitan naman kasi hindi naa-account ang paggamit ng indelible ink.” Sabi ng EO, kaya.  “Saka hindi rin naman masasabi kung ilan ang magagamit ng Comelec kaya hindi na ito nao-audit.”


Samant ala, hindi naman masabi ng EO kung magkano ang eksaktong halaga ng indelible ink.


“Kumporme kasi ‘yan sa demand,” anito. “Depende kung talagang kailangang-kailangan ito ng kandidato at kumporme din kung limitado lang ang indelible ink. Talagang mahal ito.”


Inamin din ng EO na ang talagang gumagamit ng indelible ink ay ang mga lokal na kandidato.


Mas malaki aniya ang magiging epekto nito sa lokal kaysa sa nasyonal dahil hindi na gaanong ramdam sa nasyonal ang isang-libo dalawang libong hindi makakaboto.


Pero kayang magpanalo ng lokal na kandidato ang ganoong bilang.


Nagkakatalo pa nga minsan sa single digit.


Samantala, nagbabala rin ang ilang kandidato at mga lokal na opisyal na maging vigilante ang taong taong bayan at bantayan ang pagbebenta ng indelible ink.


Tiniyak naman ni Rosario Mayor Nonong Ricafrente na mananagot ang sinumang tumangkilik sa indelible ink sa kanyang bayan. Bentahan man ito o paglalagay.


“Hindi ko hahayaan magkaroon ng puwang ang ganyang uri ng kalapastanganan sa aming bayan. Ang pagboto at pagpili sa lider ay isang sagradong bagay ng bawat mamamayan. Kaya hindi ko hahayaan mawala ito sa kanila.” Pahayag ni Ricafrente.


Ngayon pa lamang ay magtatalaga na ako ng magmamanman sa lahat ng sulok ng Rosario, at kung sinuman ang mahuling gumagawa ng ganito ay agad na dadakipin at pananagutin sa batas.





Ibang mga balita...


Mga Artikulo...

Comments
No Comments have been Posted.
Post Comment
Please Login to Post a Comment.
Ratings
Rating is available to Members only.

Please login or register to vote.

No Ratings have been Posted.
Login
Username

Password



Forgotten your password?
Request a new one here.
Shoutbox
You must login to post a message.

14/08/2010 18:41
We don't accept new users registration until we identified all spammer users and deleted all spam posts

14/08/2010 17:48
We have to wipe out all spammer in this website!

20/07/2010 21:31
hellow mga kabagang....

06/07/2010 21:13
Who becomes the world champion on football? We wil

04/07/2010 00:10
..being good, doesnt always need to be nice!!

01/07/2010 14:40
And after all and the truth it has well turned out.

25/06/2010 20:34
I search girlfriend... Help!

25/06/2010 18:02
Some people like to ask stupid questions. Thats because they are stupid))

21/06/2010 06:52
I am happy that there are such people in chats Smile

21/06/2010 01:10
Andyman / Steve : musta?? bat parang laging tahimik dito??

Render time: 0.02 seconds 393,848 unique visits