September 11 2010 03:12:15
51st Isyu
Forum Threads
Cavite Post Box
BRO. EDDIE VILLANUEVA NANGAMPANYA SA CAVITE
cavite: BRO. EDDIE VILLANUEVA NANGAMPANYA SA CAVITE



“Anim na taon walang korapsyon, maniwala ka ang bansang Pilipinas ay muling babangon,” ito ang namutawi sa pahayag ni Bro. Eddie Villanueva, Bangon Pilipinas Party Presidential Candidate nang bumisita at mangampanya ito sa lalawigan ng Cavite kasama ang kanyang Vice Presidential Candidate na si Atty. Jun Yasay at ang tinaguriang APPOINT PV Senatoriables na binubuo nina Zafrullah Alonto, Imelda Papin, Jess Paredes, Ramoncito Ocampo, Kata Inocencio, Adz Nikabulin, Alex Tinsay, Rey Princesa at Israel Virgines noong ika-19 ng Enero, 2010.


cavite: BRO. EDDIE VILLANUEVA NANGAMPANYA SA CAVITEKasamang dumating ng grupo ni Villanueva ang buong pwersa ng Citizens Battle Against Corruption o CIBAC Partylist sa panunguna ni Cong. Joel Villanueva na isa sa mga kinatawan ng nasabing sektor. Kilala rin ang CIBAC Partylist sa pagiging matapat at siguradong lumalaban sa pandaraya, katiwalian at korapsyon sa loob at labas ng pamahalaan.

Samantala, mula umaga hanggang gabi ay hindi nag-aksaya ng panahon ang Bangon Pilipinas Party sa pagsuyod sa mga Kabitenyo sa buong lalawigan. Ganap na ika-7:00 ng umaga ay pinasimulan ni Bro. Eddie sa harap ng libu-libo niyang tagasuporta sa lowland Cavite ang pag-awit ng Lupang Hinirang at simbolikong pagwawagayway ng watawat ng Pilipinas sa harap ng makasaysayang balkonahe ng Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite. “Taos-puso kaming nagpapasalamat sapagkat si Bro. Eddie lamang ang napaunlakan sa mga kumakandidato sa pagka-pangulo na magsagawa ng ganitong bukod tangi at makasaysayang aktibidad dito sa harap ng Aguinaldo Shrine na hindi nagawa ng iba, God bless Kawit, Cavite,” ayon kay Jaime Tepora na isa sa marshall ng grupo ni Villanueva.


Kinatanghalian ay libu-libong Kabitenyo naman ang sumalubong sa mga proclamation rallies nina Bro. Eddie at kapartido nito sa Bacoor City at Dasmarińas City. “Ako ay lubos na nagagalak at nagpapasalamat sa mga nag-organized at supporters ni Bro. Eddie rito sa lalawigan ng Cavite sa init ng pagsalubong at pagtanggap ninyo sa amin, paanong sa kabila ng kayo ay pawang mga volunteer lamang at walang kapalit na salapi ang bawat pagkilos ay ganito ka dami at hindi ko talaga inasahan na napakarami ninyong dumating ngayon dito,” ito ang wika ni Sis. Dory Villanueva ang maybahay ni Bro. Eddie.


Sinalubong rin ng mga Kabitenyo ang motorcade ng Bangon Pilipinas Party na dumaan sa mga pangunahing lansangan ng lalawigan ng Cavite katulad ng Aguinaldo Highway at Governors Drive patungo sa Kapitolyo sa Trece Martires City kung saan ginanap ang grand proclamation rally ng partidong ito.


Datapwat bago pa man ang grand proclamation rally ay nagkaroon ng special meeting at dialogue si Bro. Eddie sa mga sektor ng magsasaka, mangingisda, manggagawa at transport groups ng Cavite at dito kanyang ipinaliwanag ang kanyang layuning sinserong maipatupad ang tunay na reporma sa lupa para sa mga pesante, dagdag na pasahod at pambansang industrilisasyon para sa mga manggagawa at ayudang tulong at serbisyo sa mga mamalakaya at transport groups kung siya ay magwawaging Pangulo ng Pilipinas.


Bahagyang sumikip naman ang daloy ng trapiko sa sentrong lungsod ng Trece Martires ng daan-daang estudyante at kabataan naman mula sa grupong Kristiyanong Kabataan para sa Bayan (KKB) at Bangon Kabataan (BK) ang nagmartsa mula Trece Martires City Hall Building patungong Cavite Provincial Capitol Building bitbit ang mga placards na humihingi ng tunay at tamang pagbabago sa bansang Pilipinas at pagsuporta sa kandidatura nina Bro. Eddie at kapartido nito.


Sa mismong gabi ng grand proclamation rally sa harap ng Kapitolyo ay libu-libo pa ring taga-suporta na karamihan ay mga taga-Upland Cavite ang dumagsa sa Liwasang Kapitolyo upang saksihan ang mga talumpati ng mga plataporma de gobyerno ng buong tiket ng Bangon Pilipinas Party. “Nagpapasalamat kami kay Lord at maging sa pamahalaang panglalawigan dahil bagaman at hindi nila kapartido si Bro. Eddie ay siya lamang ang tanging Presidential Candidate na pinayagang makapagdaos ng rally sa harap pa mismo ng makasaysayang gusali ng Kapitolyo, ito ay patunay lamang na welcome sina Bro. Eddie at ang Bangon Pilipinas dito sa Cavite,” ang wika naman ni Ptra. Catherine Quines ng JIL-Indang Chapter.


“Nang mapanood ko sa TV ang isang pamilyang kumakain ng ipis dahil sa gutom at kahirapan ay lungkot at galit ang aking naramdaman.


Lungkot dahil hindi dapat ganito ang dinaranas ng ating mga kababayan sapagkat ang ating bansa ay mayaman pagdating sa usapin ng natural resources at raw materials na maaari nating mapaunlad at maiangat ang kabuhayan ng mga mahihirap nating kababayan kung ito ay magagamit sa wasto at tamang pagpapatakbo para sa kaunlaran, galit dahil sa ang mga namumuno ay walang inisip kundi ang kanilang mga personal na interes kung kaya kabi-kabila ang katiwalian at korapsyon sa kaban ng bayan kaya lugmok sa kahirapan ang ating mga kababayan at ang bansa.


Mga kapwa Pilipino ay nakatira sa iskwater, sa ilalim ng tulay at sa tabi ng mga estero na sa kahirapan ng buhay ay napipilitang magbenta ng kanilang mga internal organs katulad ng kidney para lamang mabuhay ang kani-kanilang gutom na pamilya.


Panahon na para sa tunay at tamang pagbabago, upang mawasak ang lahat ng apparatus of corruption and all syndicates of corruption in all system of government,” ayon kay Bro. Eddie Villanueva.


Ayon naman kay Vice Presidentiable Atty. Jun Yasay, “Sa kabila ng hindi kami lumalabas sa mga surveys dito sa ating bansa ay kataka-taka o isang himala na kami ay manguna sa ginanap na overseas absentee voting ng mga kapwa natin Pilipino sa katatapos na halalan sa Hongkong, Singapore, Taiwan, Macau at Jeddah Saudi Arabia.”


“Kami sa Bangon Pilipinas Party ay mg alternatibong at bagong kandidato at hindi kami mga traditional politicians kung kaya kami ang tunay na tagapagsulong na pagbabago sapagkat wala kaming record ng katiwalian at pinatutunayan ng aming partido ang tunay at tamang pagkakaisa para sa pagbabago. Ako na isang leader at USA Coordinator ng El Shaddai ni Bro. Mike Velarde ay narito sa Bangon Pilipinas ni Bro. Eddie maging si Dr. Israel Virgines na kapwa ko senatoriable na mula naman sa Seventh Day Adventist Church. Sina kapwa senatoriables Adz Nikabulin na Commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Zafrullah Alonto ng Moro National Liberation Front (MNLF) mga kapwa Muslim na ngayon ay nagkaisa rin. Ganoon din sina Alex Tinsay ng GMA 7 at Kata Inocencio ng dating ABS-CBN 2 ngayon ay magkasangga na rin, idagdag rin sina Jess Paredes at Imelda Papin na mula sa Kilusang Bagong Lipunan Party (KBL) pero bakit nagyon ay narito na rin sa amin sa Bangon Pilipinas at idagdag pa si Atty. Rey Princesa na kilalang abogado ng NBN-ZTE Star Witness na si Jun Lozada. Lahat kami ngayon ay nagkakaisa para sa pagbabago ng ating minamahal na bansa regardless of religious affiliations, political perspective and principles,” ayon kay El Shaddai Leader at Bangon Pilipinas senatoriable Ramoncito Ocampo.


Iniulat naman ni Seventh Day Adventist Church Leader at Bangon Pilipinas senatoriable Dr. Israel Virgines ang taya ng siguradong boto ng iba’t ibang grupo sa kanila, “Kami sa Adventist Church ay nagcommit na ng 2 milyong boto, maging ang dating nanahimik na Pentecostal Church 4th Watch ni Pastor Ferriol ay nangako na rin ng 2 milyong boto, ang dating sumuporta kay GMA noong 2004 na Baptist Church ni Dr. Lokiyas ay ngayon ay nangako na rin na tutulong sa kampanya ni Bro. Eddie at nagcommit na rin ng 3 milyong boto, ang JIL Church mismo ni Bro. Eddie na may sigurado ring 3 milyong boto, ang iba pang Born Again Churches sa Body of Christ pati na rin ang mga Protestant Churches ay may tayang 4 milyong boto, ang El Shaddai nina Bro. Mike at kapwa kandidatong Monching Ocampo ay may 5 milyong boto, lahat iyan ay nagcommit ng siguradong boto sa ilang beses na pakikipagpulong nila sa amin at inaasahan pa natin ang suporta sa darating na mga araw ng Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Quiboloy, Jesus Miracle Crusade ni Evangelist Almeda, Jesus is Our Shield Ministry ni Apostle Carillo na kung pagsasama-samahin ay aabot sa 6 milyon pang boto. Lahat iyan mga kapatid ay sa atin na siguradong nangako ng boto.”


Samantala dumating din sa pagtitipon ang sikat na rapper na si Clog 9 na siyang kumanta ng jingle ni Bro. Eddie na may pamagat na “Eddie Ako” at nagbigay ng mga pampasayang bilang, nanghinayang naman ang mga tagasuporta ni Bro. Eddie ng hindi makarating si Gary Valenciano at iba pang sumusuportang Christian Celebrities sa kadahilanang may mga mahahalagang schedules, appointments at tapings ang mga ito. Ang senatoriable na sikat na actress at vice governor ng Camarines na si Imelda Papin ay nagbigay din ng natatanging bilang at talumpati.


Bago magwakas ang rally ay muli nilang isa-isang hinimay at ipinaliwanag sa mga tao ang nilalaman ng platforms of governance ng Bangon Pilipinas katulad ng: eradicate bad governance, energize the economy, elevate the living standards of the people, empower the people, emancipate the people, educate the people, establish peace and order in the land.



NI REX
DEL ROSARIO




Ibang mga balita...


Mga Artikulo...

Comments
No Comments have been Posted.
Post Comment
Please Login to Post a Comment.
Ratings
Rating is available to Members only.

Please login or register to vote.

No Ratings have been Posted.
Login
Username

Password



Forgotten your password?
Request a new one here.
Shoutbox
You must login to post a message.

14/08/2010 18:41
We don't accept new users registration until we identified all spammer users and deleted all spam posts

14/08/2010 17:48
We have to wipe out all spammer in this website!

20/07/2010 21:31
hellow mga kabagang....

06/07/2010 21:13
Who becomes the world champion on football? We wil

04/07/2010 00:10
..being good, doesnt always need to be nice!!

01/07/2010 14:40
And after all and the truth it has well turned out.

25/06/2010 20:34
I search girlfriend... Help!

25/06/2010 18:02
Some people like to ask stupid questions. Thats because they are stupid))

21/06/2010 06:52
I am happy that there are such people in chats Smile

21/06/2010 01:10
Andyman / Steve : musta?? bat parang laging tahimik dito??

Render time: 0.05 seconds 394,633 unique visits