Kabilang ang Cavite sa may pinakamataas na bilang ng Overseas Filipino Workers (OFW) sa buong bansa. Ayon sa talaan ng National Statistic Office (NSO), sinasabing umabot na sa mahigit 2 milyung OFW ang meron ang Pilipinas at 18.4% dito ang galing sa Calabarzon kung saan kabilang ang Cavite na siyang may pinakamaraming pursyento ng OFW. Tinatayang bawat taon ay tumataas ang bilang ng mga OFW ng 14.6%. Sa kasalukuyan, itinuturing ang Saudi Arabia na siyang pangunahing destinasyon ng mga migrante, sumunod dito ang United Arab Emirates, Singapore, Hong Kong, Japan, Qatar at Taiwan. Samantala, sinundan naman ng Central Luzon na may 14.5% bilang ng OFW, at pangatlo ang National Capital Region sa 14.0% at pinaka-kaunti naman ang nanggaling sa Caraga region na mayroong 1.2 %.