Dasmariñas, Cavite – Isang politikal rally ang idinaos sa nasbing bayan kamakailan. Nitong nakaraang Martes, nilibot ni dating Pangulo Joseph Estrada ang Cavite upang mangampanya para sa eleksyon. Nagsagawa ng motorcade ang grupo ni Estrada dakong hapon ng nabanggit na araw. Malugod namang sinalubong ng mamamayan ng Cavite si Estrada at nagdaos ng political rally ang Puwersa ng Masa sa Dasmariñas. Dito imunungkahi ng partido ang plataporma ng kanilang samahan. Inaasahan namang maglilibot pa sa iba’t ibang lugar si Estrada sa mga susunod na linggo upang mangampanya at makuha muli ang tiwala ng taong bayan.