General Trias, Cavite – Mahigit 1,000 katao na may kapansanan sa pandinig ang nagtipun-tipon sa General Trias Convention Center kamakailan upang daluhan ang ilang lecture patungkol sa Filipino Sign Language (FSL). Nagkaroon ng tsansang makapagsama-sama ang mga may kapansanan sa pandinig kabilang ang ilang deligante mula sa Manila, Mindoro, Marinduque, at Palawan na sa nasabing lecture. Ang naturang lecture ay may temang “The Time Left Is Reduced” na nagnanais na makapagbigay ng kalakasang emosyon at spirituwal sa mga nasabing may kapansanan kasama na din ang kanilang mga pamilya. ito ay inorganisa ng Watch Tower Bible at Tract Society of the Philippines. Isang pagkakataon diumano ang lecture na ito upang makagkaroom mg kadagdagang kaalaman sa sign language ang mga may kapansanan na walang bayad.