September 09 2010 07:09:00
51st Isyu
Forum Threads
Cavite Post Box
Pormal na paglilipat ng lupa sa Rosario, isinagawa!

Pormal na paglilipat ng lupa sa Rosario, isinagawa!



Rosario, Cavite – Isang pagtitipon ang isinagawa kamakailan upang pormal na ianunsyo ang magandang balita tungkol sa pangarap na lupa ng mga taga-Rosario.


Dinaluhan ng daan-daang katao nitong nakaraang Abril 22, 2010, sa Casa Hacienda, Tejeros Convention, ang isang programa na naghatid ng katuwaan sa mamamayan ng nasabing bayan dahil dito ipinahayag ni Mayor Nonong Ricafrente, kasama si Vice mayor Jhing-jhing Hernandez at mga Konsehales, at ng PNOC Development and Management Corporation ang bagong programa ng gobyerno patungkol sa pagbabahagi ng lupa para sa mamamayan ng Rosario.


Nagpasikat din sa programa ang batang si Gaby Delos Reyes sa pagkanta nito ng Inang Bayan na buong tuwang pinalakpakan ng mga manunuod.


Bukod dito, dinaluhan din ang programa nina Cong. Jun Abaya at mga opisyales ng PDMC na sina Peter Anthony A. Abaya, CEO ng PDMC, Atty; Waldo Q. Flores, Chaurman of the Board ng PDMC; at Renato AMA, Operations Manager ng PDMC.


Dito pormal na inilipat sa pamahalaan ng Rosario, Cavite ang mga lupa ng PNOC-Development and Management Corporation (PDMC).


Ating matatandaan na dating nagkaroon ng problema sa pagitan ng nasabing munisipalidad at ng PDMC dahil sa lupang pag-aari ng PDMC sa Rosario na nasa halos 25 ektarya. Nagsimula ang problema sa pagitan ng dalawa noong 2002 nang inilagay sa ilalim ng “socialized housing program” ang lupain ng PDMC na sa ngayon ay punung-puno na ng kabahayan.


Kung noon ay mabigat sa bulsa ang alituntunin ng pagbabayad ng lupa ng PDMC ngayon ay pinagaan na ito sa tulong ng munisipalidad ng Rosario. Hindi na mamomroblema ang taong bayan sa dagdag na bayad o interest sa singil ng bayad sa lupa sapagkat inalis na ito.


Ngayon ay makakahinga na ng maluwag ang mga mamamayan na sakop ng lupa ng PDMC, kabilang sa mga ito ang lugar na sumusunod: WAWA III, Ligtong I-II-III, Silangan I-II, Tejeros Convention, at Bagbag I.


Samantala, sa programa ay nagpahayag din ng mensahe si Mayor Ricafrente patungkol sa kahalagahan ng bayan ng Rosario para sakanya, isa ng patunay dito ang Himno ng Rosario, kung saan ang butihing mayor mismo ang nagcompose at nag-arrange ng kanta.


Patuloy di umanong pagsisilbihan ni Mayor Ricafrente kasama ng kanyang bise at mga konsehal ang mamamayan ng kanilang pinamumunuan upang mapanatilia ang Rosario na isang bayang payapa, masaya at maunlad.



SHELLA SALUD



Ibang mga balita...


Mga Artikulo...

Comments
No Comments have been Posted.
Post Comment
Please Login to Post a Comment.
Ratings
Rating is available to Members only.

Please login or register to vote.

No Ratings have been Posted.
Login
Username

Password



Forgotten your password?
Request a new one here.
Shoutbox
You must login to post a message.

14/08/2010 18:41
We don't accept new users registration until we identified all spammer users and deleted all spam posts

14/08/2010 17:48
We have to wipe out all spammer in this website!

20/07/2010 21:31
hellow mga kabagang....

06/07/2010 21:13
Who becomes the world champion on football? We wil

04/07/2010 00:10
..being good, doesnt always need to be nice!!

01/07/2010 14:40
And after all and the truth it has well turned out.

25/06/2010 20:34
I search girlfriend... Help!

25/06/2010 18:02
Some people like to ask stupid questions. Thats because they are stupid))

21/06/2010 06:52
I am happy that there are such people in chats Smile

21/06/2010 01:10
Andyman / Steve : musta?? bat parang laging tahimik dito??

Render time: 0.02 seconds 393,844 unique visits