September 11 2010 03:18:16
51st Isyu
Forum Threads
Cavite Post Box
450 katao, nawalan ng trabaho!

450 katao, nawalan ng trabaho!



Rosario, Cavite – Halos 450 na manggagawa ng isang electronics company ang biglaang nawalan ng trabaho kamakailan.


Gulat ang sumalubong nitong nakaraang Lunes sa 450 na mangagawa ng Dyna Image Corp. Philippines sa Cavite Economic Processing Zone Authority o EPZA nang ibigay sa mga ito ang papel na naghihintay ng pirma para sa kanilang separation pay.


Ayon sa reklamo ng mga manggagawa, ang nasabing pagtanggal sa kanila ay epektibo pa sa darating na Mayo 10.


Ayon kay Virgielita Morite, presidente ng Samahan ng Manggagawa sa Dyna Image Corp. Philippines Independent Union, pinipilit di umano sila ng kumpanya na pirmahan ang cheke para sa kanilang separation pay


Hanggang sa mga oras na ginagawa ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang nasabing kumpanya ukol sa nangyaring biglaang pagtanggal ng mga mangagawa.


Ayon pa kay Morite, kinumpiska di umano ang kanilang mga cellphone upang hindi sila makakontak sa labas.


Dagdag pa ni Morite, tinakot di umano sila na kung hindi sila pipirma ay ide-detain sila sa loob ng kumpanya.


Ayon naman kay Dennis Sequena ng Partido ng Manggagawa (PM) sa Cavite, kung ang pagkalugi ang dahilan kung bakit biglang nagtanggal ng manggagawa ang Dylan Corporation ay dapat mas minabuti nilang alisin na lamang ang overtime o ibang benepisyo bago tuluyang nagtanggal dahil ito ang payo ng DOLE.


Gayun pa man, pumayag naman ang Dylan na bayaran ang natitira pang araw ng mga natanggal na manggagawa hanggang Mayo 10.



ni Erwell PEÑALBA



Ibang mga balita...


Mga Artikulo...

Comments
No Comments have been Posted.
Post Comment
Please Login to Post a Comment.
Ratings
Rating is available to Members only.

Please login or register to vote.

No Ratings have been Posted.
Login
Username

Password



Forgotten your password?
Request a new one here.
Shoutbox
You must login to post a message.

14/08/2010 18:41
We don't accept new users registration until we identified all spammer users and deleted all spam posts

14/08/2010 17:48
We have to wipe out all spammer in this website!

20/07/2010 21:31
hellow mga kabagang....

06/07/2010 21:13
Who becomes the world champion on football? We wil

04/07/2010 00:10
..being good, doesnt always need to be nice!!

01/07/2010 14:40
And after all and the truth it has well turned out.

25/06/2010 20:34
I search girlfriend... Help!

25/06/2010 18:02
Some people like to ask stupid questions. Thats because they are stupid))

21/06/2010 06:52
I am happy that there are such people in chats Smile

21/06/2010 01:10
Andyman / Steve : musta?? bat parang laging tahimik dito??

Render time: 0.07 seconds 394,634 unique visits