Bacoor, Cavite – Sugatan ang 17 katao matapos ang aksidenteng naganap sa pagitan ng apat na sasakyan sa nasabing bayan kamakailan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari, naganap sa Molino Blvd. nitong nakaraang Lunes, dakong 11:00 ng gabi, isang Mitsubishi sedan ang bigla na lamang nag-overtake sa kabilang lane at sumalpok sa paparating na Mitsubishi Adventure. Nadamay naman ang dalawa pang sasakyan, Nissan Urvan at Dodge Ram truck na kasunod lang ng Mitsubishi Adventure. Tumakas naman ang driver ng Mitsubishi sedan matapos ang aksidente, ngunit napagkilanlan bilang Luisita Labares dahil sa naiwan nitong driver’s licence na naging dahilan ng pagkadakip dito. Kasalukuyang hawak ng pulisya si Labares upang lubos na maimbestigahan ang pangyayari.