Hustisya para kay Jacinto ipinanawagan sa Facebook
Hustisya para kay Jacinto ipinanawagan sa Facebook
SINUPORTAHAN ng halos 3,000 katao ang Facebook page ni Daniel Lorenz Jacinto, biktima ng frat hazing, na naglalayong manawagan ng hustisya. Maaalalang nagtamo ng malubhang mga pasa sa katawan si Jacinto, engineering student ng MAPUA sa Trece Martires, na naging dahilan ng pagkamatay nito. Sa burol ni Jacinto nakiramay ang mga kaibigan at kapamilya ng biktima na nakasuot ng puting t-shirt, may pin at mga puting lobo na sumisimbolo nang paghingi ng hustisya. “Kinuha nila ang anak ko na malusog, isinoli nila nang durog-durog. Naiingit ako sa mga magulang na di makapagpaaral pero buhay ang anak nila. Ako, iginagapang ko pero patay naman,” malungkot na pahayag ng ama ng biktima na si Danny Jacinto sa isang panayam. Hinihingi naman ng pamilya Jacinto sa ilang suspek na nadakip na pangalanan ang lahat ng may kinalaman sa pagkamatay ni Daniel kabilang na ang president ng Cavite Cardinals Fraternity, kung saan umanib si Daniel.