September 09 2010 07:40:38
51st Isyu
Forum Threads
Cavite Post Box
Huling hirit ng mga kandidato LAST LAP
cavite:last lap



ALL
you’ve got! All your power...  all your strength with all your heart!


Last round!

Huing hirit!
Last Lap!

Sa linggong ito, ito na ang huling hirit ng lahat ng kandidato. Mapa-lokal man o nasyunal. Lalong lumakas ang pagawaan ng tarpaulin, poster at sticker.


Punuan at libu-libo ang order para maibuhos sa last wave ng kampanyahan.


Walang  gustong pasapaw. Pati ang kahuli-hulihang sentimo kung madudukot pa sa bulsa ay bubunutin para magamit sa eleksyon.

I
to rin ang panahon ng pangungutang, pagbebenta o pagsasanla ng mga ari-arian ng mga pulitiko para sa huling isang lingo ng kampanyahan.


Pambayad sa mga coordinators, pambayad sa mga lider, pambayad sa watchers, pambayad sa precint worker at kung anu-ano pa.


Ito na rin ang panahon ng gapangan,  pamimiili ng boto at pagbebenta ng boto.


Ito rin ang paglalantad ng mga naitatagong baho ng mga kalabang kandidato at paglalantad ng huling baraha.


Pagarbuhan ng mga meeting de avance,  paramihan ng artista. Paramihan ng hakot. Palakasan ng pala.


Show of force ika nga.


Naka-red alert na ang puwersa ng Sandatahang Lakas at Pambansang Pulisya.


Samantalang  excited naman ang mga nangunguna sa survey na matapos na ang halalan. Habang ang mga nahuhuli ay tila gustong pigilan ang pagtakbo ng araw para makahabol pa sa survey.


Naideliber  na naman ang mga opisyal na balota sa bawat bayan na siyang gagamitin sa kauna-unahang automated elections sa bansa.


Kung masusunod ang iskedyul ng Comelec, limang araw bago mag-eleksyon ay kailangang naideliber na ang lahat ng balota at UV (Ultra Violent) lamp.


Nakapagsagawa na rin ng mga testing ang bawat lokal ba tanggapan ng Comelec  sa pagta-transmit ng elections result mula sa PCOS (Prec int Count Optimal Scan) patungo sa mga canvassing office at iba pang dapat batuhan ng resulta.


Samantala, pinapayuhan naman ng Comelec ang lahat ng botante na magsadya ng maaga sa kani-kanilang presinto dahil sa first time umanong gagawin ang automated elections.


Sa panayam naman ng Responde Cavite sa PPCRV, hinikayat nito ang lahat na magng vigilante at mapagmatyag sa anumang banta ng dayaan.





Ibang mga balita...


Mga Artikulo...

Comments
No Comments have been Posted.
Post Comment
Please Login to Post a Comment.
Ratings
Rating is available to Members only.

Please login or register to vote.

No Ratings have been Posted.
Login
Username

Password



Forgotten your password?
Request a new one here.
Shoutbox
You must login to post a message.

14/08/2010 18:41
We don't accept new users registration until we identified all spammer users and deleted all spam posts

14/08/2010 17:48
We have to wipe out all spammer in this website!

20/07/2010 21:31
hellow mga kabagang....

06/07/2010 21:13
Who becomes the world champion on football? We wil

04/07/2010 00:10
..being good, doesnt always need to be nice!!

01/07/2010 14:40
And after all and the truth it has well turned out.

25/06/2010 20:34
I search girlfriend... Help!

25/06/2010 18:02
Some people like to ask stupid questions. Thats because they are stupid))

21/06/2010 06:52
I am happy that there are such people in chats Smile

21/06/2010 01:10
Andyman / Steve : musta?? bat parang laging tahimik dito??

Render time: 0.02 seconds 393,852 unique visits