Naic, Cavite – Pinatay at pinagnakawan ang dalawang security guard ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa nasabing bayan kamakailan. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Robert Bunga, 37-anyos at Reynald Lacsa, 19 na kapwa sekyu ng Hillsview Royale Subdivision sa Brgy. Timalan, Naic, Cavite. Ayon sa report ng pulisya, may tatlong suspek na lumapit sa dalawang sekyu at nagkukunwaring hinahabol ng magnanakaw. Saka naman pinaputukan ang dalawang biktima at ninakaw ang wallet pati na ang dalawang .38 pistola bago tuluyang tumakas sa lugar. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari upang mapag-alaman at mabigyan ng karampatang kaso ang mga salarin.