September 09 2010 07:09:19
51st Isyu
Forum Threads
Cavite Post Box
Ang dating kunduktor, susunod na mayor? (Narding Papa ng indang, Cavite)

Ang dating kunduktor, susunod na mayor?

(Narding Papa ng indang, Cavite)


Ang buhay daw ay isang paglalakbay. Nagsisimula ang lahat sa isang payak na pagkilos hanggang sa magtuloy-tuloy ang arangkada. Hanggang sa makarating sa dapat karatnan. At mas makabuluhan ang paglalakbay kung isasaisip na wala sa pinagmulan at paroroonan ang lundo ng buhay, kundi sa mismong paglalakbay.

Ganito ang kasaysayan at saysay ng buhay ni Narding Papa ng Indang, Cavite na tumatakbo ngayon sa pagka-Mayor ng nasabing bayan.


Nagsimula sa pagiging simpleng kundoktor si Narding Papa. Puhunan nya ang pagsisikap, katapatan sa trabaho at pangarap na maiahon ang sarili’t pamilya sa kahirapan.


“Nakita ng dalawa kong mata, ang kalagayan ng mga mamamayan ng Indang. Dahil ang sumasakay sa mga pampublikong sasakyan, ang kumakatawan sa karaniwang buhay at pamumuhay ng Indang. Ang kanilang bagahe, bitbitn, dalahin... mula personal na gamit hanggang kalakal, mula personal na lakad hanggang pangkabuhayan... bata, matanda, babae’t lalake, magbubukid at manggagawa ay sumasakay ng pampublikong sasakyan.” wika ni Papa.


Sa pinaghalong pawis, grasa at alikabok... sa gitna ng ulan at araw, hamog at alimuom, matapang na hinarap ni Narding Papa ang hamon ng buhay. Tuloy sa paglalakbay.


Tuloy lang ang buhay. At sa bawat lubak, bahura, diskaril, flat, overheat, huli at iba pang mga bagay-bagay na kaugnay ng pagbibiyahe, pinanday si Papa ng kanyang karanasan. Higit pa sa mga kurso sa pamantasan ang mga leksyong natutunan ng tumatakbong Mayor ng Indang sa kauna-unahang pagkakataon.


Labing anim na taon ang inabot bago makita ang bunga ng pinagpaguran ni Papa. Sa ngayon, humigit-kumulang sa tatlumpu (30) yunit ng bus ang bumabagtas sa dibdib ng Indang.


Sa patotoo ng mga trabahador ni Papa, naramdaman di umano ng mga ito ang malasakit sa kanila ng may ari ng isa sa pinakamaunlad at malaking linya ng bus sa Lalawigan ng Cavite. “Kung nagawa nyang paunlarin ang kanyang simpleng buhay, sa kabila ng lahat ng pagsubok... tingin ko, kaya nya ring ibigay ang gayunding kaunlaran sa Indang.” wika ng isa sa mga empleyado ni Papa.


Ang buhay nga ay paglalakbay. Nagmula sa hirap si Papa. At ngayon ay isa nang matagumpay na negosyante.


Sa haba ng nilakbay ng kanyang buhay, ang mga natutunan nya sa paglalakbay ang kanyang kaagapay ngayon sa pagtupad ng isa pang pangarap, ang makapaglingkod sa kapwa nya mahihirap.


Hindi nga pala bawal umunlad ang isinilang na hirap. Ang makapaglingkod ng tapat ang kanyang pangarap.





Ibang mga balita...


Mga Artikulo...

Comments
No Comments have been Posted.
Post Comment
Please Login to Post a Comment.
Ratings
Rating is available to Members only.

Please login or register to vote.

No Ratings have been Posted.
Login
Username

Password



Forgotten your password?
Request a new one here.
Shoutbox
You must login to post a message.

14/08/2010 18:41
We don't accept new users registration until we identified all spammer users and deleted all spam posts

14/08/2010 17:48
We have to wipe out all spammer in this website!

20/07/2010 21:31
hellow mga kabagang....

06/07/2010 21:13
Who becomes the world champion on football? We wil

04/07/2010 00:10
..being good, doesnt always need to be nice!!

01/07/2010 14:40
And after all and the truth it has well turned out.

25/06/2010 20:34
I search girlfriend... Help!

25/06/2010 18:02
Some people like to ask stupid questions. Thats because they are stupid))

21/06/2010 06:52
I am happy that there are such people in chats Smile

21/06/2010 01:10
Andyman / Steve : musta?? bat parang laging tahimik dito??

Render time: 0.02 seconds 393,844 unique visits