Tagaytay City, Cavite – Pinangunahan nina Darwin Lim at Daisy Zabala ang 10-kilometer race sa Highlands-Mizuno Fun Run Challenge na ginananap sa nasabing lungsod kamakailan.
Tinalo ni Lim ng Far Eastern Universtiy-Manila athletic squad si Reynaldo delos Reyes ng Philippine Army na siyang pumangalawa sa paligsahan. Umabot lamang ng 30 minuto at isang segundo si Lim nang makabit sa finish line. Nanguna naman si Zabala sa women’s division at tinapos ang race sa loob ng 53:40, sinundan ni Anna Marie Carizo (54:02) at pumangatlo naman si Bautista (54: 40). Samantala, pinagunahan naman ni Regie Lumawag ang 5-km race na mayroong 15 minuto at 40 segundo, sinundan ni Rey Santos (15:43) at Jayson Deuna (15:50) sa pangatlong posisyon. Sa women’s division naman ay nanguna si Ma. Angelica Gajulen (24:18), pumangalawa si Donna Fuentes (26:07) at pangatlo si Analyn Uy (27:26). Hindi naman nagpatalo ang mga nagsipagwagi sa 3-km race na pinangunahan nina Raymond Abacan (12:39), Mark Jerome Saquing (14:18) and LA Angelo Maravil (14:23). Sa women’s division ay sina Dhes Cabero (17:10), Michelle Jean Saquing (18:10) and Ma. Cecilia Hufana (20:12) ang nagsipagwagi na sinalihan ng halos 2,313 na manlalaro.