Imus, Cavite – Dating kapitan ng baranggay ang binaril kasama ang kasintaha nito ng kapatid ng nauna sa nasabing bayan kamakailan. Kinilala ang biktima na sina Eduardo Sabater, 56 at kasintahan nito na si Jane Aradillo, 50. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas otso ng gabi nitong nakaraang Miyerkules sa barangay Palico, habang nag-iinuman ang mga biktima kasama ang dalawa pang kaibigan nang biglang pinagbabaril ni Francisco Jun Sabater, kapatid ni Eduardo, ang kapatid nito kasama ang kasintahan. Agad namang ikinamatay ng magkasintahan ang pamamaril na nagtamo ng ilang tama sa katawan samantala, sugatan naman ang dalawang kainuman ng mga biktima. Isa sa mga tinitingnan anggulo ng pangyayari ay ang maliit na away na namagitan sa magkapatid. Kasalukuyan namang pinaghahanap si Francisco upang masampahan ng karampatang kaso at parusa.