3 kidnappers, patay sa engkwentro!3 kidnappers, patay sa engkwentro!
3 kidnappers, patay sa engkwentro!
Tagaytay City, Cavite – patay ang tatlong hinihinalang kidnapper ng isang kano matapos maganap ang pagsagip ditto, kamakailan sa nasabing lunsod. Tagumpay ang isinagawang rescue operation ng Police Anti-Crime Emergency Response (Pacer) at ng pulisya ng Cavite kay Salvacion Gorenflo, 39, sa Barangay Iruhin West, Tagaytay City dakong alas tres ng umaga. Maaalalang nadakip nitong nakaaang buwan si Gorenflo, 39, sa Barangay Bukal, Dasmariñas, Cavite, kung saan hinihingian ng kapalit na P44 million ang kalayaan nito. Ayon sa pulisya, dalawa sa hinihinalang kidnapper ang agad na namatay matapos makipagpalitan ng bala sa pulisya habang ang isa sa mga suspek naman ay sa ospital na binawian ng buhay. Kasalukuyang nasapangangalaga na ng US Embassy si Gorenflo.