Nitong nakaraang eleksyon ay isa si Marian Rivera sa mga Caviteņo na bumoto at nagpakita ng tunay na halaga ng disiplina at responsibilidad ng isang botanteng Pilipino. Hindi naman itinaggi ng aktres na ang suporta niya ay na kay Noynoy Aquino. Katunayan niyan ay dumalo pa ang naturang aktres sa launching ng Prinsipyo Ko, Walang Presyo na isinagawa nitong nakaraang Sabado sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila. Hindi naman binaggit ng aktres kung sino ang kanyang sinuportahan sa mga local candidate. Gayun pa man, isa si Marian sa mga Caviteņo na umaasang magiging masagana ang mga susunod na taon sa ilalim ng mga bagong mamumuno sa mga lugar ditto sa probinsya ng Cavite.