Isang tagumpay na maituturing ang pagpasok ng Cavite-Philippine Navy All Stars sa semi final ng 2010 Cebuana Lhuillier National Open softball competition. Matindi ang determinasyon ng Rizal Technical University (RTU) at ng Caviteños para makapasok sa championship showdown ng nasabing tournament. Ayon sa isang panayam kay coach ng Caviteños team na si Boy Banta, “Maaring dehado kami sa labanan. Multi-titled ang RTU at sanay sa championship pressure. Pero tingnan din natin.” Sa katunayan buo ang suporta ni Gov. Ayong Maliksi sa team Caviteños na tumawag pa upang batiin ang nasabing grupo sa pagpasok nila sa semi final ng kumpetisyon. Isang karangalan at tagumapay namang maituturing sa mga Caviteño ang pagpasok ng team sa semi final.