Imus, Cavite - Isa si Christian Bautista sa mga botante na naghintay sa mahabang pila upang makaboto sa naasbing bayan nitong nakaraang eleksyon. Kahit isang sikat na singer pa si Christian Bautista ay pumila ito kasama ng mga iba pang botante sa Bayang Luma 1 Elementary School. Tinatayang umaabot sa dalawa’t kalahating oras ang itatagal sa pila upang makaboto, gayun pa man hindi ito ininda ng mga botante kagaya ni Christian, dahil ayon nga sa kanya ang pagboto ay importante para sa kinabukasan ng lahat ng mga Pilipino. Bago dumating si Christian sa nasabing paaralan ay napaulat na may tatlong PCOS machine na hindi gumana, dalawa dito ang naghang samantalang isa naman ang ayaw mag-on. Makalipas naman ang ilang oras ay naayos din ang problema sa PCOS at naging maayos na muli ang proseso ng pagboto dito.